Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita napatay ng 14-anyos tiyuhin

081214 Stab dead

CAUAYAN CITY, Isabela – Tinamaan ng 23 saksak sa katawan ang isang 2nd year high school student makaraan paslangin ng kanyang tiyuhin na kapwa niya 14-anyos sa Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Risa Faye Galiguis, 14, at 2nd year high school sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS), habang ang suspek na itinago sa pangalang “Totoy” ay kanyang tiyuhin na 14-anyos din at pareho silang residente ng Brgy. Vista Alegre.

Sa imbestigasyon ng Bayombong Police Station, dakong 4:30 p.m. nang dumating sa kanilang bahay si Galiguis makaraan lumahok sa street dance sa pagbubukas ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2015 na ginanap sa Nuena Vizcaya Sports Complex sa bayan ng Bayombong.

Habang nagpapahinga ang dalagita ay dumating ang tiyuhin na si “Totoy” at siya ay pinagsasaksak sa hindi pa malinaw na dahilan.

Isinugod sa ospital si Galiguis ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa maraming saksak sa katawan.

Naaresto at nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …