BUHAGHAG ang posisyon ng 2.22.15 coalition na umano’y umaabot sa 60 organisasyon sa buong bansa. Iilan lang ang dumalo sa rali na isinagawa nito noong Pebrero 22 sa harap ng EDSA shrine. Halos lilimang organisasyon lang ang aktibong kitang-kita sa nasabing rali gaya ng SANLAKAS, Movement Against Dynasty (MAD), GUARDIANS, at Citizens Crime Watch (CCW) at Water for Reform Movement (WARM).
Ayon sa grupo ang kanilang panawagan ay REGIME CHANGE at SYSTEM CHANGE, ngunit ito’y hindi naging epektibo para kagatin ng taong bayan.
Kasabay nito ang isang grupo na National Transformation Council o NTC na binuo sa Lipa, Batangas sa pamumuno si Bishop Arguelles, kasama ang ilang trapo at bagong mukha sa pagbubuo ng mga organisasyon, na ang iba ay miyembro rin ng 2.22.15 coalition.
Lumalabas sa kanilang ginawang mass action ay walang malinaw na miyembro ang mga organisasyon maliban sa limang grupo na dumalo sa rali sa EDSA noong Pebrero 22.
Kung ganito nang ganito ang postura ng 2.22.15 at National Transformation Council (NTC) wala itong mararating dahil may kanya- kanyang agenda at layunin. Kung sa simula pa lamang ay sabog na, ito’y maglalaho na parang bula sa kawalan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com