Monday , December 23 2024

‘Text-text’ lang sa Mamasapano Ops Exodus tumegas  sa buhay ng Fallen 44!?

textITO naman ay kwentohan at obserbasyon lang sa natapos na Senate hearing ukol sa Mamasapano operations na ikanamatay ng 44 commandos ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP).

Natapos din dahil sa wakas ay natanggap na rin ni suspended PNP chief, Dir. Gen. Alam Purisima na sa kanya nag-imbudo ang palpak na Operation Exodus dahil sa maling detalyeng ini-relay niya kay Pangulong Noynoy.

Parang pelikulang “Three Stooges” lang ‘di ba?

Na-excite yata si ‘Puring’ nang maiulat sa kanya na dedbol na si Marwan.

Pero ang higit na comedy rito ‘e ‘yung sa gitna ng bakbakan at matinding pangangailangan na ilikas ang mga PNP-SAF commando, ang komunikasyon nina PNoy at Puring; PNP OIC Gen. Leonardo Espina at Gen Getulio Napeñas at sa mga AFP generals ay TXT-TXT lang?!

What the fact?!

Isang napaka-sensitibong police operation para dakpin ang isang international terrorist, ang gamit na communication ay text message lang!?

‘E alam na alam naman nating lahat na grabe ang ‘traffic’ sa SMS lalo na kung magkaiba kayo ng network at depende kung ang namamayaning network sa area.

Kaya malaking SABLAY talaga ang paggamit ng SMS (TXT-TXT) sa komunikasyon kung may matinding armed operation gaya ng pag-aresto sa dalawang terorista na sina Marwan at Usman.

High-tech nga…high sa kate-text…onli in da pilipins! Hik hik hik!

Ano kaya ang laman ng SMS? “D2 na me, patay na me.”

Hindi n’yo man lang ba naisip na segundo lang ang pagitan ng bala at buhay kapag nasa ganyang operasyon?! Tapos Operation Exodus idinaan n’yo lang sa TXT-TXT.

‘E talagang matetegas nga ‘yan at hindi makapag-i-exodus sa area of operation…

‘Yan ang katotohanan sa pagkategas ng buhay ng 44 PNP-SAF commandos.        

Hindi na tayo nagtataka kung bakit bumaliko ang daang matuwid… daanin ba naman sa TXT-TXT.

Saan ka pa?! 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *