Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katotohanan para sa kapayapaan

USAPING BAYAN LogoHINDI magkakaroon ng kapayapaan kung walang katarungan at hindi naman magkakaroon ng katarungan kung walang katotohanan. Kung ipag-pipilitan ni Pangulong BS Aquino at mga naïve na amuyong nito tulad ni Aling Teresita Deles at Manang Miriam Coronel-Ferrer na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit wala pang katarungan para sa 44 na Philippine National Police-Special Action Force personnel na nilapastangan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay lalong malabong makamit ang kapayapaan sa lupang pangako. Humihingi ng katotohanan ang mga naiwang kamag-anak ng SAF 44, katarungan naman ang sigaw ng bayan at kapayapaan ang dalangin ng lahat pero dapat munang magising sa katotohanan si BS Aquino, Deles at Ferrer na hindi MILF lamang ang dapat kausapin para sa kapayapaan. Hindi BBL ang sagot kundi ang malaya at demokratikong konsultasyon sa lahat ng mamamayan ng Mindanao. May palagay akong tama ang obserbasyon ni Sen. Allan Peter Cayetano na mas mukhang spokesperson ng MILF si Deles at Ferrer kaysa tauhan ng pamahalaan.
* * *
Suntok sa buwan ang panawagan na magbitiw sa poder si Deles at Ferrer. Hindi mangyayari ‘yan at lalong hindi sila pagbibitiwin ni BS Aquino kasi pakiramdam ng pangulo, ito ang panawagan na pagbibitiw ni Deles at Ferrer at personal na upak sa kanya. Nakalulungkot na hindi magbibitiw ang dalawa kahit malinaw na kapahamakan sa republika ang kalalabasan ng kanilang mga kilos. Kapit-tuko para sa kanilang pangarap na BBL.
* * *
Halos lahat ay nakatuon sa PNP at AFP habang naghahanap ng sisisihin kung sino ang may kasalanan sa masaker ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao noong ika-25 ng Enero. Pero walang tumitingin sa direksyon ng MILF. Hindi mangyayari ang Mamasapano kung hindi ikinanlong ng MILF at katoto nitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang teroristang si Marwan. Ipa-liwanag nila bakit kapag BIFF at mga kilalang te-rorista ang nasa teritoryo nila ok lang pero kapag PNP at AFP pinapatay nila? Asal ba ng isang nakikipag-usap pangkapayapaan ang patuloy na pagbanat sa tropa ng grupong ka-ceasefire nila? Sinasabi na lack of coordination raw ang ugat kaya binakbakan nang walang awa ng MILF ang mga SAF operatives pero malinaw sa kasunduan na pinirmahan ng MILF mismo na exception sa coordination rule kapag ang hinahabol na target ay high va-lue katulad ni Marwan. O ano nga-yon ang sinasabi ninyo Aling Deles at Manang Ferrer na kasalanan ng PNP-SAF ang Mamasapano?
* * *
Kung ibig ninyo nang mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mataas na presyo, maling pinupuntirya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PATULOY ang digmaan sa Gitnang Silangan, at kahit malayo …

Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPATni Mat Vicencio INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagkiling ng Ombudsman sa dating House Speaker depensang garapal nga ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PATULOY na pagbanggit sa pangalan ni Martin Romualdez sa iba’t …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …