Friday , November 15 2024

DQ case vs Erap sa SC ‘di pa tapos

00 Kalampag percyNAGHARAP ng motion for reconsideration (MR) ang abogado ni Manila Mayor Alfredo Lim na humihiling ikonsidera o baligtarin ng Korte Suprema ang pagkakabasura sa disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

 Tatlong basehan ang tinukoy sa 43-pahinang MR na inihain ni Atty. Renato dela Cruz bilang abogado ni Ma-yor Lim na intervenor sa disqualification case na unang inihain ni Atty. Alicia Risos Vidal sa Comelec at Supreme Court:

 Una, nananatiling diskwalipikado si Erap na bumoto at maiboto sa kabila ng pardon na ibinigay sa kanya ni dating Pangulong Gloria Arroyo; Ikalawa, mababalewala ang polisiya at pagsisikap ng gobyerno at kagustuhan ng samba-yanan na wakasan ang pandarambong sa pera ng bayan dahil sa mga tiwali sa pamahalaan kung hindi babaguhin ng SC ang kanilang desisyon; at

Ikatlo, mawawalan ng kabuluhan ang paki-kiisa ng Filipinas sa paglaban sa katiwalian bilang isa sa daan-daang bansa na nagsama-samang lumagda sa kasunduan ng mga bumuo sa United Nations Convention Against Corruption (UNCAC). 

Propriety ng desisyon inuulan ng batikos

SA Interaksiyon, isang online website na pinatatakbo ng ABC Channel 5 noong January 28, napalathala ang artikulo na pinamagatang: ”SC Estrada ruling on absolute pardon exponentially raises impunity.” 

Ang artikulo ay isinulat ni Prof. Mel Sta. Ma-ria,  isang  iginagalang na batikang abogado, Constitutionalist at dekano ng Far Eastern University college of law.

Sabi ni Sta. Maria, “The vagueness of the wordings of the Estrada-pardon must be resolved in favor of the People of the Philippines which filed the case and successfully proved, beyond reasonable doubt, that the former public official, while in his high public office, committed a crime by amassing ill-gotten wealth in the amount of more than P50,000,000.  The ambiguity must be resolved in favor of conditional pardon.”

‘Anyare sa Supreme Court?

IYAN naman ang halos katumbas na kahulugan ng “What has the Supreme Court done?” isang artikulo na isinulat ng veteran fo-reign journalist sa kanyang kolum na ”Like it is” noong January 15 sa Philippine Daily Inqui-rer.

Si Wallace ay isang ekonomista at kadalasan nga ay malalalim na isyu tungkol sa ekonomiya ang tinatalakay sa kanyang pitak.

Ramdam ng mga mambabasa, maging ng legal luminaries, ang pagkadesmaya ni Wallace sa desisyon na 11-3 ng mga mahistrado ng Supreme Court para manatili si Estrada sa puwesto bilang alkalde ng Maynila.

Desmayado si Wallace kung bakit binalewala ng 11 sa 14 na mahistrado ang “WHEREAS” clause o kondisyon na nakapaloob sa pardon – ang pangako ni Estrada na hindi na muling kakandidato.

Bakit, ani Wallace, isinulat pa imbes na binura ang WHEREAS clause sa pardon kay Estrada kung hindi rin lang ito kikilalanin ng batas?

Bilang katunayang conditional at hindi absolute ang pardon kay Estrada ay hindi mababasa ang salitang “full” sa unahan ng civil at political rights ng dispositive portion na pinagbatayan ng 11 justices ng Supreme Court.

Ani Wallace, “In the pardon given to Estrada, there’s a ‘whereas’ clause that says he ‘had publicly committed to no longer seek any elective position or office.’ Eleven of 14 justices put this aside, saying that the dispositive section of the pardon was what must be interpreted, and this said ‘he is hereby restored to his civil and political rights.’ They felt that restoration of civil and political rights meant everything, including running for public office again. But if so, why was that ‘whereas’ clause there at all? It should have been deleted as irrelevant. And why wasn’t the word ‘full’ put in front of ‘civil…’ if running for office again was intended?

My interpretation is that because he’d agreed to not run for public office anymore, he could in all other ways be treated like a normal citizen, but only if he kept his word and didn’t run for public office. An inexplicable pardon doesn’t say Estrada’s innocent; it only says that he doesn’t have to suffer the penalty of which he’s charged. He’s still guilty. What doesn’t the Supreme Court understand about that?

Idinagdag ni Wallace na, “What’s worrisome is that the people don’t seem to care.”

Ang nakababahala, aniya, ay bakit dedma lang ang mga mamamayan?

Parang sinabi na rin ni Wallace na binabalewala lang pala ng mga Pilipino ang pagsira sa Rule of Law o kawastuhan ng mga batas natin, na mahalaga naman para sa mga tulad niyang mamamayan ng ibang bansa.

Sa ibang bansa nga naman ay ipinaglalaban ng mga mamamayan ang rule of law, kundiman ipinakikipagpatayan kung kailangan.

Masuwerte talagang matatawag ang magnanakaw, walanghiya at mapagsamantala sa gobyerno natin dahil dito sila isinilang sa Filipinas, na ang mamamayan ay walang mga buto sa gulugod.  

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *