Friday , November 15 2024

Benepisyo ng Fallen SAF 44

00 pulis joeyINIANUNSYO ni DILG Sec. Mar Roxas ang mga benepisyo ng mga nasawing PNP-SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao.

Naipamahagi na aniya ang Special Assistance Fund  (SAF) galing sa gobyerno na nagkakahalaga mula P400,000 hanggang P700,000. 

Kabilang na rito ang ipinagkaloob ni Pangulong Noynoy Aquino na P250,000 na ibinigay niya nang personal nang makipagpulong sa pa-milya ng mga nasawi kamakailan.

Mayroon pa aniyang karagdagang benepisyo na matatanggap ang mga naiwang pamilya ng fallen commandos na hindi bababa sa P300,000 at aabot ng mahigit P900,000.

Maliban rito ay makatatanggap din ng buwanang ­pension ang mga naiwan ng SAF 44  commandos. ­Magkakaroon din ng scholarships ang mga anak nito.

Maraming salamat po, Sec. Roxas, Mr. Pre-sident to be…

Bukod dito, nakatanggap din ang mga pamil-ya ng mga nasawi at nasugatang pulis ng tulong pinansiyal mula sa mga local government tulad ng Manila at Makati City at sa mga mambabatas.

Ang Maynila ay nagkaloob ng tig-P100K sa mga nasawi at P50K sa mga nasugatan. Habang ang Makati City gov’t ay nagbigay ng tig-P100K sa mga napatay.

Kung susumahin ay malaki-laki na rin ang naitulong sa mga pamilyang naiwan ng fallen commandos.

Pero, sabi nga, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. 

Gayunpaman, sa simula palang ay batid na ng bawat pulis at ng kani-kanilang pamilya ang panganib sa kanilang propesyon. Nasawi sila in line of duty. They’re heroes…

Mabuhay ang PNP-SAF!!! Now, we know…

Pangakong napako sa biyuda ng sundalo na napatay sa bakbakan

Sir Joey, ako ay isang biyuda ng isang sundalo ­(Philippine Navy) na namatay sa isang encounter. Killed in Action (KIA) noong Nov. 23, 2002 pa. Hanggang ngayon yung pabahay na sinasabi ng presidente hindi ko pa natatanggap. Ilang taon na nakalipas. 

Ang nasawi kong mister ay si PO2 Criso- logo P. Marcorde, 785945 PN. Namatay sila sa ambush ng mga armadong grupo sa pumpboat na kanilang sinita sa laot sa Balabac, Palawan. Sana maibigay na po sa amin ang pabahay na pangako ng presidente. Salamat po. Mrs. Marcorde, 0929976….

Ang presidente noong 2002 ay ang kasalukuyang ­kongresista ng Lubao, Pampanga na si Gloria M. Arroyo na naka-hospital arrest sa VMMC sa kasong Plunder. Sana mabigyang-pansin ni Defense Sec. Voltaire Gazmin ang hinaing na ito ng biyuda ng sundalo.

Ipinangsusugal ang natatanggap sa 4Ps sa Malabon City

– Mr. Venancio, report ko po dito sa Malabon City, ang mga tumatanggap ng 4Ps ay ipinangsusugal lang po nila. Dapat mag-survey si Sec. Dinky Soliman para malaman nya mga ginagawa ng mga miyembro nila sa 4Ps. Salamat. – 09463295…

Marami na rin natanggal na miyembro ng 4Ps na ini-report na pinangsusugal o ipinangbibisyo lang ang nakukuhang buwanang suporta sa gobyerno. Kailangan lang na ang barangay officials ay i-report sa DSWD ang mga miyembro ng 4Ps na mabisyo.

Grabe na ang droga sa  Brgy. 110, Tacloban City

Report ko po dito sa Utap, Brgy. 110, Tacloban City ay nakakaalarma na po talaga ang shabu. May namumuong tanong na po sa isip ko na: Bakit hindi natitigil ang ­ganitong ka-iligal na transaksyon? Mga matataas ba ng kapulisan ang nasa likod nito? Ang mga pusher po rito na pinagku­kunan ng shabu ng mga adik ay sina Sid M., Angelo Q., Darwin E., Rudy B., Jake B. Ito po ang mga demonyo rito sa Utap. Sana naman mahuli na sila at makulong habam­buhay. Dahil masyado na silang perwisyo sa aming lugar. Salamat po. Huwag nyo ilabas ang numero ko. – Concerned citizen  kontra droga

Pagtaas ng bayarin o tax sa Maynila

Sir Joey, express ko lang po ang concern ko sa patuloy na pagtaas ng business taxes pati na po amilyar dito sa Manila. Dahil po dito ang lubos naapektuhan ay mga middle classes. Ang alam ko po ay di po ito nakabubuti sa social structure ng isang society. Sana po may makialam at mapayuhan ang mga councilor at si Mayor Esdtrada ukol dito. – 09393313…

300% ang itinataas ng buwis sa Maynila. Pero sa ngayon ay 150% muna ang ipinatutupad, after election na raw ang another 150%. Pero sabi ni ex-Mayor Fred Lim, kapag naluklok uli siya sa puwesto sa 2016 ay hindi niya ­ipatutupad itong napakataas na buwis na ito. Bravo!

Sa Customs dumadaan ang sangkap sa droga

Alam mo Sir Joey, ang problema sa droga ay malulutas lang kung seryoso ang mga ahensya natin gaya ng Bureau of Customs at ang mga namumuno sa lahat ng port of entry. Kasi dadaan sa kanila yan eh. Kahit saang dako sa Pilipinas ay na-penetrate na ng mga drug lord. – 09469109…

Totoo ang detalyeng ito ng ating texter. Sa Customs nga dumadaan ang lahat ng pumapasok sa bansa. Pero may tip akong natanggap na mga fishing boat na ang ginagamit ngayon ng drug lords. Sa fish port na dinadaana ng droga.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *