Sunday , December 22 2024

Pahirapan sa paglilikas ng displaced OFWs sa Yemen

yemenProblemado ngayon ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Yemen kung paano makikipag-ugnayan sa mga awtoridad para mailikas sila after itaas sa Alert Level 4 sa nasabing bansa.

Sa impormasyong nakalap ng Bulabog boys mula sa mga kaanak ng OFWs sa Yemen, lubhang mahirap para sa kanila ang makalabas at magtungo pa sa mga lugar na isinaad ng Philippine government para sa mga evacuees.

Para sa kaalaman ng ating dear readers, ang Alert Level 4 ay nangangahulugan ng mandatory repatriation o sapilitang paglilikas sa mga Filipino domestic helpers at iba pang manggagawang Pinoy na nasa Yemen.

Authorities described the atmosphere in Yemen as “deteriorating political and security situation.” That’s why… “All Filipinos are urged to contact the embassy’s team in Sana’a for assistance in the implementation of the mandatory repatriation of all Filipinos from Yemen,” anang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Idinagdag ng mga kaanak ng naiipit sa kaguluhang OFWs, na nais nilang sumama sa evacuation ngunit ang tanong ay… “PAANO!?”

Oo nga naman!

Baka naman may paraan na naiisip ang magagaling nating Kalihim Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DoLE) at OWWA Administrator Rebecca Calzado?

Bagama’t nagpapasalamat ang pamilya ng displaced OFWs sa Yemen sa government repatriation ay hiniling nila na mas makabubuting suyurin ng mga kinatawan ng pamahalaan ang mga lugar kung saan maraming Filipino upang sunduin.

Isa pa sa mga pinoproblema ng mga nagnanais na lumikas na Pinoy workers ang pagkuha ng “No Objection Certificate” from the sponsor of their entry or working visas and have the sponsor or employer arrange the exit visa.

Anila, nagkakagulo na nga, marami pa umanong rekisitos na hinihingi ang Philippine Embassy.

Bukod pa sa kinakailangang dalhin ng mga ililikas na OFWs ang kanilang original Philippine passport and NOC to the embassy team. Habang ang mga nagtataglay ng expired passports will be extended gratis.

Sakaling mawala naman umano ang kanilang pasaporte, they should bring two ID-size photos for gratis issuance of Philippine travel documents.

Kailangan din umanong dalhin ang katibayan na miyembro ang mga inililikas na OFWs ng OWWA.

Hosme!

Ano bang klaseng repatriation ang ginagawang ‘to ng gobyerno sa ating mga bagong bayani?

Ang daming hinihingi! Ang daming pahirap!

Hindi ba puwedeng mag-fill-up na lang sila ng kung anong form provided by the authorities to simplify the processing?

Puro kayo pahirap lang!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *