ni ARABELA PRINCESS DAWA
NAPATAWAN ng 60-day medical suspension si Brazilian heavyweight Antonio “Bigfoot” Silva ito’y matapos siyang pabagsakin ni Frank Mir sa UFC Fight Night kamakalawa.
Matapos ang post fight examinations na ginanap sa Gigantinho Gymnasium sa Porto Alegre, Brazil ay naglabas ng medical suspension ang Brazilian MMA Athletic Commission sa Sherdog.com.
Binanatan ng short left hook ni Mir si Silva at saka sinundan pa ng siko dahilan para bumagsak ito sa 1:40 minuto sa first round.
Bukod sa 60 days na walang laban, binigyan pa si “Bigfoot” ng 45 araw na paghihintay bago sumalang sa physical contact sa kanyang training.
Dahil naman sa panalo ni Mir, nakabangon na ito mula sa apat na sunod na kabiguan.
Huli siyang nabigo kay Alistair Overeem sa UFC 169.
Inakala niyang katapusan na ng kanyang career matapos ang lopsided decision loss kay Overeem.
“After the Alistair Overeem fight I had a meeting with UFC CEO Lorenzo Fertitta and told him I’m done. Let me look at doing broadcasting,” wika ni Mir matapos ang laban niya kay Silva. “And then my wife laughed at me. She said, ‘Take my advice and let’s not do anything or talk about fighting for six months and you just let your body heal.’”
Samantala, ayon kay Mir, magaan na ang kanyang pakiramdam matapos ang panalo at handa na siyang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na career sa labanan.