Thursday , December 26 2024

Malinamnam ang buhay ni ‘Willy A.’ sa NBP sa Muntinlupa?

CRIME BUSTER LOGOILANG buwan nang nasa custody ng detention cell ng National Bureau of Investigation sa Maynila ang labing-siyam na high profiles na convicted inmates na kinabibilangan ng Chinese drug lord na si Vicente Sy.

Sila ay nasangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian tulad ng patayan, illegal drugs, prostitution at magarbong uri ng pamumuhay sa loob ng maximum security compound ng National Penitentiary sa Muntinlupa City o sa bilibid.

Kahapon ay nakatanggap naman ako ng impormasyon mula sa aking insider sa nasabing bilangguan. Ang tinutumbok ng aking insider ay isang convicted inmate mula sa maximum security compound na may alias na “Willy A.”

Parang hari raw ngayon kung mamuhay si Willy A. May sariling kubol o bahay na malapit sa covered court ng Batang City Jail (BCJ). May sariling laptop at ang daming bodyguards. Malakas daw sa mga jaguar sa NBP si Willy A., kaya malaya siyang nakapaghahanapbuhay sa bilibid.

Ang remittances daw na pumapasok sa bulsa ni Willy A., ay hindi bababa sa isang milyong piso (P1-M) kada linggo.

Naku! Dapat itong paimbestigahan agad ni justice secretary Leila de Lima kung saan nanggagaling ang mga salaping pumapasok sa bulsa ng bilanggong si Willy A. Baka galing na naman iyan sa illegal na droga.

Last year, ilang beses ni-raid ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) kasama si Sec. De Lima, ang brigada, kubol, bahay ng mga bigtime na convicted criminals sa loob ng maximum security compound ng NBP. Nakasamsam sila ng mga baril, droga at milyones na salapi sa possession ng mga target na gang leaders.

Ang sunod-sunod na raid at ang mga ebidensiyang na-recover sa NBP ang naging basehan ng DOJ upang ang 19 na high profiles na bilanggo ay ilipat ng kulungan sa detention cell ng NBI sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Nang ilipat sila ng kulungan, may ilang masalaping bilanggo ang nag-file ng petition for Writ of Amparo sa Korte Suprema sa pagbabakasakaling ang kanilang kahilingan na maibalik sila sa maximum security compound ay mapagbigyan ng korte. Dahil mahina ang argumento, ibinasura ng Korte  Suprema ang kanilang petitions laban sa ilang opisyales ng DOJ at NBI. Wala rin silang napala. Ang kumita ang kanilang abogado.

Habang tinitipa natin ang kuwento ng buhay ni Willy A., kahapon ng umaga ay nakatanggap naman tayo ng panibagong impormasyon. Nagsagawa daw ng raids sa Building No. 8 at Building No. 13, ang mga operatiba ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pamumuno ni Supt. Swharzcofft dakong 0100H. Nakakompiska ang mga jail guard ng laptops, cellphones, illegal drugs at iba pang illegal items sa ni- raid na brigada ng mga preso.

Napasama kaya sa raid ang kubol ni Willy A.?

Dapat managot sina Purisima, Napeñas sa pagkamatay ng 44 PNP-SAF

Sa ilang araw na hearing na isinagawa ng mga senador tungkol sa Mamasapano, Maguindanao incident, sa kabila ng nagtuturuan sina suspended, resigned PNP chief general Allan Purisima at sinibak na dating PNP-SAF director general Getulio Napenas, lumalabas na nagsabwatan ang dalawang opisyal ng PNP upang ituloy ang operasyon laban sa high value target na terrorist na sina Marwan at Usman.

Iisa lang ang naging pakay ng dalawang opisyal, ang solohin ang kredito laban kina Marwan at Usman. Binulag nila ang AFP.

Dahil sa sobra ang tiwala ni pangulong Benigno Aquino III sa kanyang bestfriend, sa dakong huli ang bestfriend din niya ang nagpahamak sa kanya.

Mas powerful ang mga lords

NABABAHALA umano ang Philippine Drug Enforcement Agency o ang PDEA na pinamumunuan ni retired police general Arturo Cacdac sa pagdami diumano ng mga local government officials, pulis na sangkot sa illegal na droga sa bansa.

Tama ang pahayag ni Cacdac. Sa isang barangay, municipalidad, bayan o probinsiya, pangkaraniwan na ang sangkot o protector sa bentahan ng droga ay ang nasa lower level ng barangay.

Sa Pasay at Makati City, nagpapatayan ang pangkat ng magkalabang drug lords. Ang style ng kanilang drug war, kundi ambush ay assassination. On record po iyan sa local police station.

May go signal ang mga kapitan

TINATAYANG umaabot na raw sa P500 thousands a day ang naiipong kubransa ng mga bangkero, capitalista ng lotteng bookies (EZ-2, 12 number games) sa area ng lowerland at upperland sa lalawigan ng Cavite.

Nagre-opened daw ng numero de pa-1602 para ang pondo ay magamit sa darating na 2016 presidential and local elections ng isang aspring candidate sa Cavite. Alam na kaya iyan ni GoV? Tuwang-tuwa na naman si Kapitan del barrio. Humahataw na naman ang lotteng bookies sa Cavite.

Naku po! Alam na kaya ni Cavite, PD Sr/Supt. Estomo na ang mga dating bangkero ay nagpapa-lotteng-bookies na naman sa lalawigan ng Cavite? May kabuntot!

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *