Malamya ang EDSA Revolution 29th anniv celebration
Jerry Yap
February 26, 2015
Opinion
HINDI na raw militante ang mga nag-rally at nagdiwang sa selebrasyon ng EDSA Revolution 29th anniversary.
‘Yan daw ang dahilan kung bakit hindi disiplinado ang mga naroon sa EDSA kahapon.
Lumikha lang umano ito ng traffic obstruction sa Metro Manila.
Ibig sabihin, walang sigla at lalong hindi naramdaman ang diwa ng EDSA.
Sino nga naman ang magdiriwang kung katatapos lang paglamayan ang labi ng Fallen 44 ay kasunod namang paglalamayan ang katotohanan dahil pinaslang ito sa pagdinig sa Senado at umano’y dialog ni PNoy sa House leaders doon sa loob mismo ng Palasyo.
Nabigo ang mga mambabatas na mabusisi kung ano ang tunay na pangyayari sa Mamasapano noong Enero 25.
Ang isa pang nakalulungkot dito, ang isa sa dating tinaguriang bayani ng EDSA ay naka-hospital arrest dahil sa kasong pandarambong?!
Ngayon tayo naniniwalang, sina Juan Ponce Enrile at dating presidente FVR ang sinagip ng bayan at hindi sila ang sumagip sa bayan mula sa kuko g madugong dispersal na nais sanang mangyari ni Marcos noon.
Naniniwala rin tayo na panahon na para mabulatlat ang tunay na istorya sa likod ng EDSA Revolution.
Ito ba ‘yung tinatawag na konsesyon ng mga taga-Camp Crame at Camp Aguinaldo sa kung sino ang presidente?
Kung gayon, mahabang panahon na pala tayong nililinlang ng EDSA.
Ano sa palagay ninyo mga suki?!
Pahirapan sa paglilikas ng displaced OFWs sa Yemen
Problemado ngayon ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Yemen kung paano makikipag-ugnayan sa mga awtoridad para mailikas sila after itaas sa Alert Level 4 sa nasabing bansa.
Sa impormasyong nakalap ng Bulabog boys mula sa mga kaanak ng OFWs sa Yemen, lubhang mahirap para sa kanila ang makalabas at magtungo pa sa mga lugar na isinaad ng Philippine government para sa mga evacuees.
Para sa kaalaman ng ating dear readers, ang Alert Level 4 ay nangangahulugan ng mandatory repatriation o sapilitang paglilikas sa mga Filipino domestic helpers at iba pang manggagawang Pinoy na nasa Yemen.
Authorities described the atmosphere in Yemen as “deteriorating political and security situation.” That’s why… “All Filipinos are urged to contact the embassy’s team in Sana’a for assistance in the implementation of the mandatory repatriation of all Filipinos from Yemen,” anang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Idinagdag ng mga kaanak ng naiipit sa kaguluhang OFWs, na nais nilang sumama sa evacuation ngunit ang tanong ay… “PAANO!?”
Oo nga naman!
Baka naman may paraan na naiisip ang magagaling nating Kalihim Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DoLE) at OWWA Administrator Rebecca Calzado?
Bagama’t nagpapasalamat ang pamilya ng displaced OFWs sa Yemen sa government repatriation ay hiniling nila na mas makabubuting suyurin ng mga kinatawan ng pamahalaan ang mga lugar kung saan maraming Filipino upang sunduin.
Isa pa sa mga pinoproblema ng mga nagnanais na lumikas na Pinoy workers ang pagkuha ng “No Objection Certificate” from the sponsor of their entry or working visas and have the sponsor or employer arrange the exit visa.
Anila, nagkakagulo na nga, marami pa umanong rekisitos na hinihingi ang Philippine Embassy.
Bukod pa sa kinakailangang dalhin ng mga ililikas na OFWs ang kanilang original Philippine passport and NOC to the embassy team. Habang ang mga nagtataglay ng expired passports will be extended gratis.
Sakaling mawala naman umano ang kanilang pasaporte, they should bring two ID-size photos for gratis issuance of Philippine travel documents.
Kailangan din umanong dalhin ang katibayan na miyembro ang mga inililikas na OFWs ng OWWA.
Hosme!
Ano bang klaseng repatriation ang ginagawang ‘to ng gobyerno sa ating mga bagong bayani?
Ang daming hinihingi! Ang daming pahirap!
Hindi ba puwedeng mag-fill-up na lang sila ng kung anong form provided by the authorities to simplify the processing?
Puro kayo pahirap lang!
Make-over ng NAIA T1 kailan tatapusin!?
MUKHANG ‘di kayang matapos ng DM Consunji Construction firm ang kanilang ginagawang ‘make-over y palitada’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahilan sa magkakasalungat na pahayag ng ilang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) over-the-weekend.
Sa impormasyong nakalap ng Bulabog boys sa tanggapan ni MIAA general manager Jose Angel Honrado ay nakatakdang matapos ang isinasagawang renovation ng T2 ngayon Abril (2015).
Ang tugon naman ng ‘di nagpakilalang Consultant ng DMCI, nakatakda nilang tapusin ang pagkukumpuni sa buong kontrata nang mas maaga ngayong Marso.
Ngunit kung ang independent person naman ang tatanungin kung ano ang assessment to finish the whole renovation based on the actual ocular inspection ay imposible umanong matapos ng either March or April.
Ang pananaw na ‘to ng independent person ay sinasangayunan ng airport insiders dahil ang finishing umano ay mas higit na mabutingting kompara sa initial at middle portion ng working process.
Sa ngayon ay lubhang marami pa rin eye sore sza areas ng NAIA T1, both arrival at departure areas, dahilan sa ;puspusang pagkukumpuni’ kuno nito.
Bunga nito, hindi maiaalis sa mga frequent travellers, particularly sa mga expat na magbigay ng side comment na sana ay tapusin na sa lalong madaling panahon ang trabaho nila.
Umaasa ang mga arriving/departing passengers na sana ay matapos na ahead of schedule ang nabanggit na international passenger terminal para sa totoong kahulugan ng hassle free travel sa ilalim ng “It’s More Fun In the Philippines” slogan.
Binay umepal na rin sa implementation ng IPSC
Nang ipatupad ng MIAA ang Integrated Passenger Service Charge (IPSC) na lalong kilala bilang “Terminal Fee” ang buong akala ng sambayanan ay pass your paper na ang nasabing government move.
Ngunit ilang linggo nang ini-implement simula nitong Pebrero 1 ay may mga ‘humihirit’ pa rin pala.
Ang IPSC ay pagbabayad ng terminal fee sa airport sa halagang P550.00 na isasama sa pagbili ng tiket sa eroplano, kabilang na ang mga OFWs.
Nitong nakaraang araw, sumawsaw na rin si Vice-President Jejomar Binay na suspendihin ang paniningil ng airport terminal fee integration sa lahat ng international airline tickets.
Ayon kay Binay, nasasaktan umano ang OFWs sa pagbabayad ng P550.00. Alinsunod sa batas, ang exempted sa pagbabayad ng terminal fee ang mga itinuturing na modern day heroes.
Ani Binay, “I write with utmost urgency to seek the suspension of MIAA Memorandum Circular (MC) No. 8 directing the integration of the P550.00 IPSC into the airline tickets at the point of sale insofar as it directly affects our OFWs”.
“While I fully understand the primary objective of MIAA MC No. 8 to promote smoother, seamless, convenient, safe and hassle-free travel experience at all our airport terminals, the integration of the IPSC into the airline tickets unfortunately has adversely affected the rights of our OFWs under Republic Act (R.A.) No. 8042, as amended by R.A. No. 10022, otherwise known as the “Migrant Workers Act of 1995,” Binay also said.
Maganda sana ang layunin ni Vice-Pres Binay pero sana ay ginawa niya ang apela ng pagpapatupad nito bago pa lamang ipinatupad.
Pero kung ngayon eepal at maghahabol ang Bise-Presidente, palagay ko ay mahabang proseso na ang pagdadaanan nito dahilan sa ang korte na lamang ang kinakailangang pagdaanan para muling mabago ang desisyon.
Ito rin ang ipinahayag ni MIAA GM Bodet Honrado hinggil sa nasabing usapin dahilan sa too late na hero na ang reaction ng butihing ikalawang pangulo.
He-he-he!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com