ANG Feng Shui wealth vase ay isa sa mga bagay na maaaring ginagamit ng mga tao upang mabuhay ang chi sa wealth section ng kanilang bahay. Ang Feng Shui vase, katulad ng iba pang mga bagay, ay magkakaroon ng power na ibinigay mo, na nag-ugat sa iyong intensyon. Kung nagustuhan mo ang hitsura ng Feng Shui vase at sa pakiramdam na idinulot nito sa iyo kapag nakita mo ito, ang Feng Shui vase ay maaaring maging powerful anchoring objects na maka-tutulong sa pagkamit ng iyong mga hangaring magtamo ng yaman at progreso sa pananalapi.
Ang Feng Shui vase ay dapat na binuo sa material na magbabalanse o magpapalakas sa natural Feng Shui elements sa kwarto. Maaari mong gamitin ang five-elemental color cycle sa pagdetermina ng best material para sa iyong Feng Shui vase base sa lokasyon kung saan mo ito ilalagay.
Kapag nakabuo (o naka-bili) ka na ng vase, lagyan ito ng objects of wealth. Gold or silver coins (real or replica), at iba pang simbolo ng yaman na mahalaga sa iyo. Tandaang ang layunin ng vase – katulad ng water element – ay upang maramdaman mong ikaw ay mayaman.
Kapag nailagay na ang mga bagay sa loob, takpan ito ng five colored cloths, kumakatawan sa limang elemento, at talian ng red ribbon. Ikinokonsiderang malas kapag binuksan ang Feng Shui vase na sinelyohan na.
Dapat ilagay ang vase sa saradong cabinet sa wastong trigram ng iyong bahay – maaaring sa wealth trigram ng Ba Gua, bagama’t maaari rin itong ilagay sa career, fame and recognition or helpful people section upang mapaganda ang daloy ng chi at magandang swerte sa mga lugar na ito.
ni Lady Choi