IPINAKIKITA ng isang Australian zoologist ang kanyang magandang relasyon sa mga hayop sa pamamagitan ng pagsabay sa buwaya sa paliligo.
Sinabi ni Chris Humfrey, gusto ng 4-anyos saltwater croc na si Snappy Tom na maglunoy sa maligamgam na tubig.
Minsan ang dalawa ay sinasabayan din sa paliligo ni Casper, isang malaking huge black-headed python.
Ayon kay Mr. Humfrey, nag-aalaga ng mahigit 2,000 iba pang mga hayop sa kanyang Wild Action Zoo sa Macedon, Australia, hindi siya natatakot na lumapit at makihalubilo sa kanyang mga alaga.
“Just call me Dr Dolittle. Whether it’s the kangaroo knocking over my beer or the crocodile crawling between my feet, I see all of the animals as members of my family,” aniya.
“It’s about showing empathy and compassion – you’re shown respect and trust in return.” (ORANGE QUIRKY NEWS)