MABILIS NA NAISPATAN NI SGT. TOM ANG GRUPO NINA GEN. POLICARPIO
Magmemenor na sana siya sa pagpapatakbo ng kotse nang makita niya sa rep-leksiyon ng side mirror ang isang kasunod na sasakyan. Pamilyar sa kanya ang kulay at plaka niyon. Isa iyon sa mga ginagamit na behikulo ng grupong naghahangad na ‘mapagsimba siya nang may bulak sa ilong.’
Bigla niyang pinaarangkadang muli ang minamanehong kotse. Kumiskis sa semento ang mabilis na ikot ng mga gulong ni-yon.
Skrrrriiiiit!
“Para, Tomas!” sabi sa kanya ni Nerissa.
“Hindi pwede!” pasigaw na sagot niya.
Kita pa rin niya sa isang sulok ng kanyang mga mata ang pagbuntot ng sasakyan ng mga tauhan ni General Policarpio. Ayaw talaga siyang tigilan ng mga ‘aso’ ng sindikato. Dala-dala niya ang sariling baril. Bihasa siya sa pagkikipagbarilan at may kakaya-han siyang makipagsabayan ng putok sa mga tumutugis sa kanya. Pero ayaw niyang ma-damay ang kanyang mag-ina. Kinakaila-ngan niyang makalayo at mailigaw ang mga tauhan ni General Policarpio. Kaya nga sumalungat na siya sa regular na daloy ng trapiko sa kalye.
“A-ano ba, Tomas? Nakupu… Duyuskupuuu!” ang nahihintakutang tili ni Nerissa na kalong sa kandungan ang natutulog na anak na si Yeye.
Puro mura ang inabot niya sa mga motorista. Hindi makamamatay ang todong pagtutungayaw na iyon ng mga driver at pasahero ng mga sasakyang nakasalubong niya. Ang dapat niyang matakasan ay ang grupo ng mga berdugong uhaw sa kanyang dugo. Pinaspasan pa niya ang pagpapatakbo sa kotse ng kanyang Kuya Atong. Nakarating siya sa tulay ng Delpan, pagsapit sa Bonifacio Circle ay kumaliwa siya. Pumasok siya sa isang makipot na kalye na patungong ilalim ng Jones Bridge. Umikot siya sa isang eskinitang malapit sa gusali ng PhilPost Office. Umakyat ang minamaneho niyang sasakyan sa ibabaw ng Jones Bride.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia