ni Tracy Cabrera
MAAARING malamig sa labas—pero para kay Kim Kardashian, panahon na para mag-bikini . . . este, furkini pala!
Nagbalik ang sikat na reality star, na ibinulgar kamakailan ang cover ng kanyang selfie book, nag-post ng kanyang mga larawan sa social media—malamang mga kuha ng kanyang asawang si Kanye West.
Makikita si Kim sa serye ng mga larawan, nakasuot ng skimpy fur-covered na bikini, habang nagpapakuha sa gitna ng niebe.
At hindi lang siya bonggang nagladlad suot ang kanyang furkini, suot din niya ang ‘boots with the fur’ sa isang larawan.
Posibleng kinuha ang mga larawan noong nag-ski trip sila ni Kanye sa Park City, Utah, na namataan siyang namamasyal sa Deer Valley kasama ang kanyang asawa at kapatid na si Kourtney.
Habang nag-skiing, minabuti ni Kim ng itim na furry jacket.
Sa kolokyal na termino, ang furkini ay pangkaraniwang bikini na binalutan ng fur, o balahibo ng hayop, para suutin kapag taglamig.