Thursday , December 26 2024

Safe na nga ba ang Chinatown?

00 Bulabugin jerry yap jsyIPINAGMAMALAKI ni Yorme Erap na dahil sa kanyang kamay na bakal ‘e nag-improved umano ang seguridad sa Chinatown.

Nabura na raw niya ang imahe na ang Chinatown ay hunting ground ng kidnap-for-ransom (KFR) group.

Sabi pa ni Erap sa kanyang praise ‘este’ press release, 24-oras na raw ang police patrol sa Chinatown.

Siya lang umano ang punong lungsod ng Maynila na nagpalakas ng pagkakaisa ng Filipino-Chinese community.

Sabi nga ng isang konsuhol ‘este konsehal na sipsip sa kanya, “This has not happened in any of the previous administration before.”

Wee!? Hindi nga?!

Baka nalilimutan ni Erap at ni sepsep konsulsol ‘este’ konsehal Bernie Ang, noong panahon na presidente si Erap ang kalakasan ng KFR na ang laging biktima ay mga kapwa niya Chinese.

Mismong anti-crime watchdog group na kinabibilangan ng mga biktima ng kidnapping sa Tsinoy  community ang nagpapatunay na nanatili nag aktibidad ng KFR sa Chinatown.

Ayon kay Ka Kuen Chua, chairperson ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO), mayroong dalawang kompirmadong kaso ng kidnapping pero marami ang hindi naiulat na insidente ng kidnapping nitong nakalipas na 2014.

Ang dalawang kompirmadong kaso ay kinabibilangan ng kinidnap na negosyante sa Sta. Mesa area at ang isa naman ay sa Divisoria-Binondo.

Ang dalawang insidente ay pareho umanong “unsolved.”

O hindi ba’t sa Sta. Mesa ang address ni Erap at ang Binondo ay nasa Maynila?!

What the fact!?

Paki-take note lang po Mayor Erap, kasi baka naman hindi totoo ‘yung report na nakararating sa inyo.

Pwede bang magrekorida kayo sa gabi kasi parang hindi totoo ‘yung 24-hour  police patrol na sinasabi rin ninyo.

Ang nakikita lang natin ‘e ‘yung mga pulis na de-baril na nasa NPC Grounds na labis nating ipinagtataka. Ang pagkakaalam kasi ng inyong lingkod, ang NPC Grounds, ang kabuuang gusali at compound nito ay simbolo ng kalayaan at kapayapaan at hindi dapat mabahiran ng ano mang simbolo ng karahasan.

Bakit may pulis dito!? May bagong PCP na ba sa loob nito?

Pero sa Binondo area,  wala po tayong nakikitang nagrerekoridang pulis lalo sa mga alanganing oras ng madaling araw. Meron ka man makita ‘e puro mga kolektong sa mga vendor.

Try mo lang kaya Mayor Erap mag-surprise visit, alam mo naman  ‘yang mga in-charge sa public relations ninyo, parang mga ARKITEKTO…

Mahilig lang daw mag-drawing!?

(Hik hik hik)

Security breach at nepotismo normal lang ba sa CAAP, DOTC Secretary Jun Abaya?!

ANG Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay isang ahensiya ng pamahalaan na krusyal ang papel sa transportasyon at komunikasyon ng bansa.

Ang transportasyon at komunikasyon ay malaki ang ginagampanan sa pang-araw-araw na operasyon ng pamahalaan o ano mang organisasyon.

Hindi ito puwedeng mawala sa lahat ng aspekto.

Kaya kung magkakaroon ng iregularidad sa ahensiyang ito ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Transportation and Communication s (DoTC) magre-reflect ito sa mga tanggapan na nasa ilalim ng ahensiyang ito.

Isa sa mga pinaniniwalang iregularidad na nagaganap ngayon at pinagmumulan ng demoralisasyon ng ilang opisyal at empleyado sa CAAP ang matagal nang pinupunang NEPOTISMO ng pamilya JOYA.

Nagtataka ang mga organikong taga-CAAP kung bakit mula nang maupo si retired Major Gen. Rodante Joya bilang Chief Financial Officer ‘e biglang dumami ang mga Joya sa kanilang ahensiya!?

Matapos umanong i-appoint si ret. M/Gen. Joya ng Malacañang, nagulat ang mga taga-CAAP dahil biglang nagkaroon sila ng empleyadong ang pangalan ay JEREMY JOYA.

Nang maglaon ay natuklasan nilang anak pala ito ng retarded ‘este retired na heneral.

At hindi lang basta empleyado kundi hepe pa ng Management Information System (MIS).

At gaya nang dapat asahan kinopo nito ang pag-aasikaso sa mga IT project ng CAAP, kabilang na d’yan ang identification card at CCTV. Hmmnn…may naamoy akong malansa sa poject na ‘to?!

By the way, meron pa nga palang isang ATTY. JOYA na naipasok rin daw sa CAAP at kung hindi tayo nagkakamali anak din siya ni ret. M/Gen. Rodante Joya?! Na naman!?

Hindi ba’t malinaw sa batas na, NEPOSTISMO ‘yan at ipinagbabawal!?

Uulitin lang po natin, ayon sa grapevine, si Joya raw ay may take home pay na P200+ kada buwan at ang mga bitbit boys (consuholtants ‘este’ consultants) n’ya raw ay P50k plus naman ang sahod kada buwan?

What the fact!?

At kung mayroong nepotismo, hindi maiiwasang isipin ng mga taga-CAAP na may nagaganap na isang uri ng iregularidad?

May alam kaya diyan si Col. Leo Husada, ang trusted man ni Joya?

Ano sa palagay ninyo CAAP Director General William Hotchkiss III?!

Wala ka bang praise release sa isyung ito Sir!?

Santambak na bagman ng MPD-Intel (Anyare Kernel Nana!?)

SOBRANG sipag daw ngayon ng mga tulisan ‘este’ pulis sa pag-iikot ng mga operatiba ng Manila Police District(MPD) sa ilalim ni district director S/Supt. Rolly Nana.

Panay ang ikot at hukay ng mga ‘trabaho’ lalo na sa bisinidad ng Tondo na binansagang Intelihensiya group ng MPD.

Isang alyas TATA HATCHIN at TATA OKA ang hataw sa pangongolektong para sa MPD-INTEL HQ.

May sarili rin bagman ang isang opisyal na alyas Kernel Anghel-Demonyo na kumokolektong din sa kalakhang Maynila.

Hindi pa kasama riyan ang mga import na bagman mula raw sa Presinto Dos.

Hindi raw gaya rati na isang bagman lang ang Intel ng MPD!

Ano ba talaga Kernel Nana!?

MPD-PS-7 umaksyon ngunit parang kulang pa rin

SIR JERRY, maraming salamat at nabulabog mo ang mga pulis ng MPD PS-7. Dahilan para gumawa sila ng aksyon sa problema ng droga at sugal sa Brgy. 215 Zone 20 Solis St., Tondo. Ang kaso sa pagronda nila tila nabigyan na ng timbre (ng mga opisyal ng brgy.) ang mga tulak, at maling tao raw ang mga nakapkapan at natanong kaya walang nahuli.

Nagpahinga na ‘yung mga nagsusugal, pero ‘yung droga patuloy pa rin. Salamat uli, sana matahimik na rito at tuluyang mapaalis ang mga tulak at adik sa lugar namin. Wala nang nagsusugal sa tapat ng bahay namin. Makatutulog na kami nang matiwasay at makapaghahanapbuhay nang hindi nagaalala. Maraming salamat po.

– email add withheld upon request

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *