Nagtxt po ulit aq dahil nanaginip ako, nasa labas ako ng store o tndahan, pagpasok ko roon may bundok sa loob, tapos puwede ka kumuha piraso sa bundok at kainin mo iyon, ano kaya ibig sabhin po nito? Tnx-c ricky po ito.. (09159409194)
To Ricky,
Ang tindahan ay nagsasabi na ikaw ay emotionally and mentally strained. Alternatively, maaaring ikaw ay nakikipag-brainstorming para sa mga bagong idea o kaya naman ay naghahanap ng iba’t ibang mapapagpilian na nandiyan para sa iyo. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaaring nagpapakita ng what is in “store” for you.
Ang nakitang bundok naman sa panaginip ay maaaring nagsasabi ng mga balakid at pagsubok na paparating na kailangang malagpasan. Ang bundok ay nagsasaad din naman ng higher realm of consciousness, knowledge, and spiritual truth.
Kapag sa panaginip ay kumakain ka na may kasama, may kaugnayan ito sa harmony, intimacy, merriness, prosperous undertakings, personal gain, and/or joyous spirits. Kapag kumakain kang mag-isa, posibleng nangangahulugan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya, pagkakahiwalay ng magkarelasyon at pagkatalo sa negosyo. Kung ikaw naman ay kumakain ng bulok na prutas, ito ay nagsa-suggest ng mga lumagpas o nawalang pagkakataon na may kaugnayan sa iyong pag-unlad at kaligayahan. Kung nanaginip naman na kumakain ng isda, ito’y simbolo ng iyong beliefs, spirituality, luck, energy at nourishment. Ito ay sagisag ng pagkain para sa kaluluwa.
Señor H.