ni James Ty III
HINDI na sasabak si Manny Pacquiao sa All-Star Weekend ng PBA na gagawin sa Puerto Princesa, Palawan, mula Marso 5 hanggang 8.
Dapat ay kasama si Pacquiao sa Rookies-Sophomores Game ngunit dahil sa kanyang ensayo para sa kanyang pinakahihintay na laban kontra kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo ay liliban muna siya sa laro.
Bukod pa rito ay liliban din si Pacquiao sa kanyang trabaho bilang playing coach ng Kia Motors ngayong PBA Commissioner’s Cup.
“The PBA family is behind coach Manny Pacquiao. His success is our success,” wika ni PBA board chairman Patrick Gregorio.
“As a fight fan, his colleague in the basketball community and his compatriot, I together with the rest of our countrymen wish him all the best. May he be safe from harm and successful in his goal,” dagdag ni PBA commissioner Chito Salud.
“Columbian Autocar Corp. together with team Kia Carnival wishes Cong. Manny Pacquiao the best of luck. Our prayers are with him in what is probably the biggest challenge on Cong. Manny’s career,” ani Kia board governor Ginia Domingo.
Aalis na si Pacquiao sa susunod na linggo para mag-ensayo sa Wildcard Gym sa Los Angeles para paghandaan niya si Mayweather.
Samantala, umatras na si KG Canaleta sa Slam Dunk contest sa PBA All-Star Weekend dahil ayon sa kanya ay mahina na ang kanyang tuhod.
“Magpapaalam ako na mag-withdraw na (in the dunk contest) kasi di ba sa Three-Point (shootout) din kasali ako? Eh parang retired na ako dun (dunk contest) dahil kapag nag-dunk pa ako, nagkaka-tubig yung tuhod ko pag nape-pwersa,” pahayag ni Canaleta.