Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paano kung mas mayaman ang nililigawan mo sa iyo?

00 try me francineHi Miss Francine,

May nililigawan po ako mayaman na girl, tapos ako po ay hindi naman. Medyo nai-intimidate po ako, kasi siya may kotse ako wala pero pag ini-invite ko po lu-mabas sumasama naman po. Hindi ko naman masabi kung gusto niya ako kasi hindi naman ako gwapo.

Any advice po?

GERARD

Dear Gerard,

Normal lang na maramdaman mong medyo nai-inti-midate ka sa nililigawan mong mas mayaman sa iyo. Dahil ‘yan sa ego, at dahil nga lahat tayo naka-program na dapat ang lalaki ang provider kaya dapat mas mayaman ang lalaki kaso nga kagaya sa sitwasyon mo mas mayaman ang nililigawan mo.

Hindi ka man gwapo, wala ka mang kotse pero sumasama naman siya sa mga imbitasyon mo, ibig sabihin nun ay gusto ka rin niya. Hindi naman kasi batayan ‘yung kagwapuhan o karangyaan, dahil may mga klase ng tao na iba ang hinahanap sa taong iibigin nila. Malamang may nakita siya sa’yo na nagustuhan niya kaya nandiyan pa rin siya.

At sana maidagdag ko lang baka isang araw makaisip ka na pumantay sa mga luho na nakakamit niya, ‘yan ang huwag mong gagawin. Just be yourself, ang importante nae-enjoy ninyo ang isa’t isa at sincere ka sa ipinapakita mo.

Maganda rin siguro na minsan tanu-ngin mo siya tungkol sa status ng inyong relationship, para naman at least alam mo kung saan ka lulugar at kung may pag-asa ba.

I wish you all the best.

Love,

Francine

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at na-research. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …