Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga palabas sa aktuwal na karera at ang abusadong RW towing services

00 dead heatMADALAS MAKAPANOOD ang Bayang Karersita ng mga NAKAKAINIS na eksena sa TV monitor tuwing ang mga kabayo ay tumatakbo sa mga aktuwal ng karera na pag-aari ng mga may SINASABING horse owner. Eksena na madalas ay naglulutsahan sa unahan ang mga kabayo ng mga ito upang hindi manalo ang kanilang kabayo.

Umano’y mga hinete na hawak ng mga “demonyong” sindikato sa karerahan. Mga sindikato na nagmamaneobra ng mga karera sa tatlong karerahan dito sa ating bansa.

Inuutusan umano ng mga sindikato ang mga hawak nilang hinete na iperder o ipatalo ang mga sakay nitong kabayo na may PANALO sa aktuwal na race.

Naka-payroll pa umano ang ilang mga “Salbahe” na hinete sa mga sindikato na may hawak sa kanilang leeg.

Matapos ang karera ay nagkikita-kita ang mga “Hinayupak” sa isang lugar at dito ibibigay ang kabayaran sa ginawa nilang “Palabas” sa araw ng karera.

Hindi lang PERA at sasakyan ang tinatamasa ng mga ito. Minsan ay may mga magagandang “Bebot” pang inireregalo sa mga ito.

Sa mga matataas na opisyal ng Philippine Racing Comission (PHILRACOM) at mga Board Of Stewards (BOS) ng tatlong karerahan sa bansa, paki-MANMANAN ninyong maigi kung sino ang mga hineteng ito.

oOo

Nagkaroon ng hindi magandang eksena ng humataw ang 2015 “Philracom 3YO Local Colts dahil nagkaroon ng ‘INQUIRY” para sa “First Place sa dalawang kabayong Juachenzo’s Run at Money Talks.

Ipinakita sa TV monitor na pagbukas ng starting gate ay nasarhan ng Money Talks na nirendahan ni jockey RO Niu, Jr. samantala sakay naman ni jockey J.B. Hernandez ang Juachenzo’s Run.

Nang panoorin muli ng mga Board Of Stewards ang karera (Replay) ay napatunayang nasarhan nga ni jockey R.O. Niu, Jr. sa labasan sa starting gate ang kabayong Juachenzo’s Run.

Sa pangyayari ay lumabas ang resulta na nanalo ang kabayo Juachenzo’s Run at nagtamo ng “Disqualification” for first place ang sakay ni Jockey R.O. Niu, Jr. na dapat siya ang nanalo dahil nauna itong dumating sa finish line.

SANA LAGING GANITO ANG GINAGAWA NG MGA OPISYAL NG TATLONG KARERAHAN.

 

MGA ABUSADONG R.W. TOWING B-22

Dalawang Barangay motorsiklo na may Red Plate No.SL5024 at SL 5026 na nakaparada sa harap mismo ng Barangay 719 sa may P. Ocampo, Vito Cruz, Manila ay puwersahang tinangay ng mga tauhan ng R.W. Towing B-22.

Nang oras na yon ay may “Emergency Meeting” ang Barangay Council tungkol sa talamak na “Salisi at Snatching” sa mga condominiums malapit sa barangay hall.

Laking gulat ni Kagawad Manny Nabua nang makita niya na biglang buhatin ng mga “crew” ng R.W. Towing B-22 ang kanilang mga motorsiklo nakaparada sa harap ng kanilang Barangay Hall at sapilitang sinakay sa kanilang towing service.

Nakikiusap si Barangay Chaiman Jaime P. Adriano kay Manila Mayor Joseph E. Estrada na tigilan na ang mga hindi kanaisnais na ginagawang ILLEGAL TOWING ng mga tauhan ng R.W. TOWING.

PATI MGA SERVICE VEHICLES NG GOBYERNO TINATALO NINYO?!!!

oOo

Sa Biyernes Pebrero 27, 2015 tuloy na tuloy na ang pagtatanghal ng Shell Eco-Marathon Asia 2015 sa Rizal Park, ang paligsahan ng environment friendly car na inimbento ng mga engineering students mula sa iba’t-ibang rehiyon.

Magkakaroon ng Flag-Off ceremony bagong simula ang pagtatanghal ng mga iba’t-ibang magagandang sasakyan na naimbento.

oOo

Nagpapabati sa ating kolum si Mr. Jimmy Mercado na asawa ni Edna Mercado ng Mandaluyong City. Ang mga doctor at nurse sa ward 11 at ward 14 sa Veterans hospital na sina Dr. Gretchen Garreon at Jiam Viray. Ang pagbati ay mula kay David Francisco ng Sampaloc, Manila.

GET WELL SOON DAD CONRADO FRANCISCO!

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …