Thursday , December 26 2024

‘Diktador’ Sevilla ng Customs

00 Palipad hangin Arnold ataderoNAKIKITA na siguro ni ‘diktador’ John Sevilla, binata at kuno expert daw sa corporate management, na siyang Commissioner ng Customs, kahit nasibak niya sa pwesto ang mga beteranong kolektor na pawang mga abogado at career exe-cutive service officer (CESO) eligible na may security of tenure, hindi pa rin siya tagumpay sa kanyang anti-corruption o anti-smuggling campaign.

Sa halos two years niyang pagpapatakbo ng Bureau of Customs binago niya ang mga existing setup na magaling sana kung gumaganda ang resulta. Pero kung ating  titingnan ang kanyang revenue performance sa tulong ng mga bagitong district/port collector na mga retiradong AFP generals, aabot na siguro sa P100 bilyon.

Si Sevilla ba ang tinatawag na “knight in shi-ning armor,” bachelor na siyang sasagip sa corrupt na ahensiya tulad ng Customs sa pa-mamagitan ng pagtigpas sa professional career collectors. Siguro ang impression ni Sevilla sa pagtatanggal ng mga professional na mga collector, titino ang collection niya. Siyempre may mga alibi siya, na bagsak ang kanyang collection.

Ang de kahon na kanyang alibi para ma-justify ang kanyang big shortfall na P100 bilyon na yata (halos abutin niya si dating Commissioner Biazon) ay bigger ang kanyang output than the previous year. Parang narinig na natin ito.

Sinibak ang mga regular collector dahil daw sa suspetsa na mga sabit sa corruption kung hindi man sa smuggling. Kung ito ang iyong pananaw bakit failure ka rin yata? Dahil ba sa mga existing law? Sa totoo lang lalabas na lip service at pure propaganda na lang ang kapupuntahan ng iyong administration. Nariyan sa Bureau ang rotten system na dahil imbedded na sa ahensya, bihira ang mga naia-assign sa Bureau na hindi nilalamon nang bulok na sistema.

Aber, sa mga pinagtatanggal ninyo bakit tila ni isa ay walang nasampahan ng kaso na gross dishonesty at ibang criminal offenses? Pero ang naging dating sa taong bayan ng pagtigpas ng leeg ng mga career collectors pawang mga kurakot sila. Ganoon ba, mga salot sila?

Kahit ba sabihin ni Sevilla  na ipinag-uutos ni Finance Secretary Purisima (ano ang relasyon ninyo kay suspended PNP chief Alan Purisima?) dapat naging credible ka sa transacting public kung sila ay pinakakasuhan, hindi basta lang tigpasin ang mga leeg nila. Ano kaya ang buwelta ng mga collector na marami sa kanila nagretiro na kahit voluntary lang kaysa insultuhin sila. Sila ay iginawa ng office pero walang assignment. Kulang na lang sipain palabas ni Sevilla.

Tingnan natin kung hanggang saan ang bagsik ng binatang commissioner kapag malapit na ang presidential elections. Ito ay kung hindi mapatalsik ang Aquino government at kung ito ay mangyayari tiyak sa kangkungan din pupulutin si Sevilla et al.

In the short period, Sevilla has reigned in the bureau, he has collected a number of enemies more than he has made friends. Katuwiran nila, kaya nilang ibalik ang honesty. Ganoon ba? Sana hindi pa sila nilalamon ng bulok na sistema.

Paano ang bulto ng mga project ni Sevilla ay nakapaloob sa Customs, modernization bill na 16 years nang nakatengga sa Congress. Kung wala ito, delikadong sumemplang ang mga project ni Sevilla. Naka-retire ang mga career collectors na ni hindi man lang nabigyan ng decent despedida nina Sevilla. Hindi nga halos papaunlakan ng dia-logue. Ano bang klaseng pamumuno ito. Unless Sevilla treats the district collectors, many ser-ving the Bureau forover two decades, as dirt?

Gaano kaya ka-honest ang mga nagsipalit?

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *