Saturday , November 23 2024

De javu sa 2016… kay PNoy senatorials naman

00 aksyon almarDAMANG-DAMA na ang election fever para sa 2016 presidential elections o national election – 15 buwan na lamang at muli tayong hahalal ng panibagong panggulo este, pangulo ng bansa.

Sana ay huwag na tayong magkamali sa pagboto sa Mayo 2016. Hindi porke anak ng dating pangulo o anak nang sinasabing kumalaban sa dating rehimeng Marcos ay ating iboboto kahit na kulang sa karanasan o kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Magpakatino na tayo mga kababayan sa pamimili – huwag nang iboto ang mang-uuto sa sambayanan sa pagsasabibing BOSS daw niya ang MASA pero isang pambobola ang lahat.

Tsk…tsk…tsk… bukod dito, huwag ibenta ang inyong boto dahil kayo o tayong lahat rin ang magiging kawawa sa bandang huli.

Ano pa man, marami nang nananamantala ngayon sa patuloy na ‘pagsadsad’ ng PNoy government dahil sa kapalpakan at ngayon ay ‘pagpapain’ sa tropa ng SAF sa Mamasapano, Ma-guindanao na ikinamatay ng 44 pulis.

Pinatay na parang hayop o mas malala pa sa hayop ang naging turing sa SAF dahil na rin sa kapabayaan ng gobyerno sa pagbibigay tulong at suporta sa mga SAF habang nakikipagbakbakan noong Enero 25, 2015.

Hayun, dahil sa katarantaduhan ng matataas na opisyal ng gobyernong PNoy kasabwat ang Palasyo, bagsak na naman ang rating performance ng gobyerno o si PNoy. Isa pa sa nagpabagsak noon kay PNoy kung inyong maalala ang isyu ng DAP.

Ngayon sa mga pangyayaring ito sa Mamapasano, nasaan na ang plano ni PNoy na dapat tumakbo uli siya sa pagiging Pangulo para maipagpatuloy raw niya ang tamang gawain para sa bansa?

O sige nga PNoy, ngayon mo buhayin ang isyu na dapat kang maging Pangulo pa rin ng bansa? Mukha mo kung makuha mo pa ang malaking prosiyento ng masa.

Pero in fairness kay PNoy, marami naman siyang napakulong at napakasuhan na politiko na sabit sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Hindi po naman natin nalilimutan iyan. Katuna-yan, si PNoy pa lamang ang Pangulo ng ‘Pinas na nakapagpakulong ng tatlong senador at maraming politiko at opisyal/kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa pangungurakot.

Lamang, kapag kakampi ni PNoy ang nasasabit  o inirereklamo, hayun kulelat ang gob-yernong PNoy para aksyonan ito.

Ngunit sa kabila ng mga nagawang kapogian ni PNoy, sira pa rin ang kanyang rating lalo nang mangyari ang Mamasapano massacre.

Kaya habang papalapit ang 2016 election, malamang maraming magsilayas sa ‘saya’ ni PNoy. Iiwanan na siya. Kunsabagay, hindi naman na siya tatakbo bukod sa patuloy pa ang pagsadsad ng kanyang rating.

Dahil dito, malamang na maulit ang nangyari noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo na ngayo’y congresswoman ng Pampanga. Mauulit ang pangyayaring , maraming kandidato ni PNoy sa 2016 lalo na sa pagkasenador at pagka-congressman ang pupulutin sa kangkungan. Tiyak na matatalo ang marami sa kanila kapag magpapatuloy ang pagsadsad ng gobyernong PNoy.

Kay ex-PGMA noon, marami siyang nalaglag na senatorial noon dahil sira ang imahe ni Gloria dahil sa pagkakasabit sa mga anomal-ya.

So para hindi maulit ang insidente, ang solusyon ng maraming maka-PNoy ngayon ay maglilipatan na ng partido o kakampi. Kinabukasan na kasi ng career nila sa politika ang kanilang ililigtas at hindi si PNoy. Alam naman ninyo ang takbo ng politika natin sa bansa. Laglagan sa ere o di kaya balimbingan.

Siyempre sa pagkakadungis ng gobyernong PNoy sa Mamasapano incident – 44 SAF ba naman ang napatay, bukod sa isinikreto pa ang misyon sa mga direktang hahawak sana sa misyon – sina DILG Sec, Mar Roxas at OIC PNP Chief, Gen. Espina, malamang na mahihirapan si PNoy sa pag-ahon kaya tiyak na iiwanan na si PNoy sa ere ng kanyang mga ka-kampi lalo na ang mga tatakbo sa 2016.

Marahil hindi muna ngayon dahil kukunin muna nila ang ‘pabaon’ sa kanila para sa pa-ngangampanya.

Oo kahit na natitira rin si VP Binay ngayon pero nangunguna pa rin sa survey na mananalo sa pagkapangulo, tiyak na karamihan sa mga kakampi ni PNoy ang lilipat kay Binay. Tiyak ‘yan!  Kawawang mga sobrang nagpapakasipsip kay PNoy ngayon – lalo na ang mga sabit sa DAP. Malamang kayo na ang susunod na makukulong kapag  hindi ninyo kapartido o ka-kampi ang mananalo. 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *