PLANO ng isang grupo ng mga scientist sa isang unibersidad na gawing mobile WiFi hotspots ang tupa.
Ayon sa Metro, plano ni Professor Gordon Blair at ng kanyang team mula sa Lancaster University na kabitan ang tupa ng collars para matunton ang kanilang pagkilos, at maglalagay ng sensors sa river banks upang masukat ang erosyon.
Umaasa silang ito ay maglalaan ng mahalagang impormasyon hinggil sa mga rural na lugar, at inihayag na ang nasabing electrical devices ay maaaring magamit bilang WiFi spots.
“The possibilities are limitless,” ayon kay Professor Blair.
“Cities have been the focus of much of the boom in this type of technology – it has been used to keep traffic flowing on our roads, monitor air pollution and even help us find a parking spot.
“But the countryside faces challenges of its own, from subtle environmental changes to catastrophic events such as flooding.”
Ang collars na susuutin ng tupa ay makapagdadala ng data ng hanggang 5km, kaya perpekto itong maging emergency WiFi hotspots para sa mga taong maaaring maliligaw. (ORANGE QUIRKY NEWS)