Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alyas Tom Cat (Part 25)

00 alyas tomcatMULING NAKAPUSLIT SI SGT. TOM PARA MAKIPAGKITA SA PAMILYA

Umagang-umaga ng araw ng Linggo nang tawagan ni Sgt. Tom ang misis na si Nerissa gamit ang cellphone ng kanyang nakatatandang kapatid.

“Magkita tayo mamayang alas-diyes sa Luneta…” agad niyang idiniga.

“Saan du’n?” paglilinaw ng kanyang asawa.

“Sa bandang harapan ng Chinese Garden…” pagtukoy niya sa lugar.

“Sige… Isasama ko ba si Yeye?” naitanong ni Nerissa.

“Oo, Mahal… Sabik na ako sa anak natin,” ang maagap niyang tugon.

Ginamit ni Sgt. Tom ang kotse ng kanyang Kuya Atong sa pagluwas ng Maynila. Mag-aalas-diyes pa lang ng umaga ay naroon na siya sa bisinidad ng Rizal Park. Naiparking niya ang dalang sasakyan sa isang parking area. Nabagbag ang damdamin niya sa mahigpit na pagyakap ng asawa’t anak na sabik na sabik sa kanya. Halos maluha tuloy siya. Pero ang misis niyang si Nerissa ay nalaglag ang luha sa mga mata. Kinabakasan niya ng matinding hapis ang mukha nito. At mahimalang hindi ito naging mataray sa kanilang pagkikita.

“Diyos ko, Tomas… B-bakit sobra’ng payat mo? … A-at nangangalumata ka…” pansin sa kanya ni Nerissa.

“’Di kasi ako makakain at makatulog… Mahirap ‘tong sitwasyon ko… Walang kapahingahan ang isipan,” ang naisagot niya.

“’Wag mo na kaming idagdag ng anak mo sa mga isipin… Maayos naman kaming nakararaos sa araw-araw…” alo ng misis niya na lalong humigpit ang pagyakap sa kanya.

Inilatag ni Sgt. Tom sa damuhan ang hinubad niyang jacket. Ipinagpatuloy nilang mag-asawa ang kumustahan, balitaan at kuwentohan habang nalilibang naman ang kanilang anak sa paglalaro ng iniregalo niyang PSP. Nagsilbing pakikipag-bonding na rin niya iyon sa kanyang pamilya, tulad ng iba pang mag-anak na pumaroon sa Rizal Park. Para nga silang nag-picnic doon. Pinagsalo-salohan nila roon sa pananghalian ang pagkaing inihanda ng misis niya.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …