ni ARNEL BERROYA
HUMARAP at sumagot sa mga tanong ng media people ang mga opisyales ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) na sina TING LEDESMA (President / Trustee & Chief Executive Officer), ARNEL BERROYA (Vice-President / Trustee & Ambassador of Goodwill and Friendship in Table Tennis), Dr. RENATO LEGASPI (Corporate Secretary), RACHEL RAMOS (Blue Badge International Umpire & Technical Consultant), JOSE NICOLAS CAWED (Auditor / Trustee) at Atty. DOMINGO PANLILIO (Chairman of the Board) hinggil sa mga aktibidades, proyekto, sports development programs at mga torneo.
Ang mga pinaghahandaang salihan ng mga miyembro ng Philippine Team ay ang ”GACC World Tour Series of Table Tennis Competitions” na kinatatampukan ng mga dekalibreng world class players mula sa iba’t-ibang mga bansa, na gaganapin sa darating na May 27-31, 2015 sa Subic Bay Sports Complex, Olongapo City, Zambales.
Kasama rin sa pinaghahandaan ng TATAP ang paglahok sa ‘2015 South East Asian Games (SEAG) Table Tennis Competition” na gaganapin naman sa last quarter ng taong ito sa Singapore. Kasamang inusisa ng mga press people ang mga miyembro ng national team na kinabibilangan nina: Richard Gonzales, Isaias Seronio, Ireneo Rodel Valle, Ryan Jacolo, at Glendo Nayre ng men’s team; Rommelia Princess Tambo, Ian “yanyan” Lariba, Rose Jean “nene” Fadol, Jamaica Sy at Sendrina Andrea “muse” Balatbat ng women’s team at mga coaching staff na kinabibilangan naman nina Lauro Crisostomo (men’s coach) at Noel Gonzales (women’s coach).