Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpasok ng Hapee sa PBA pinag-iisipan na

ni James Ty III

022315 Hapee Toothpaste

NGAYONG nagkampeon ang Hapee Toothpaste sa una nitong torneo sa PBA D League, malaki ang posibilidad na aakyat na ang koponan sa PBA bilang expansion team sa susunod na taon.

Ito ang iginiit ng team owner ng Fresh Fighters na si Cecilio Pedro pagkatapos na nasungkit nila ang korona sa Aspirants Cup kontra Cagayan Valley sa best-of-three finals noong Huwebes.

“I think there is room for a team like us in the PBA because we’re a consumer product,” wika ni Pedro. “I’m sure the PBA is interested in us but we need players to be competitive in the PBA. Kung wala, we will stay in the D League.”

Sa pangunguna ng mga pambatong amatyur tulad nina Ray Parks, Ola Adeogun, Garvo Lanete, Chris Newsome, Troy Rosario, Baser Amer at Scottie Thompson, winalis ng Fresh Fighters ang Rising Suns sa loob lang ng dalawang laro sa finals.

Dalawang agaw, isang lay-up at isang supalpal ni Thompson sa mga huling segundo ng overtime ang nagbigay sa Hapee ng 93-91 panalo sa Game 2.

“I was thinking, talo na pero Scottie (Thompson) saved the day,” ani Hapee coach Ronnie Magsanoc. “I was already looking forward to a Game 3.”

Nagpasalamat naman ang team manager ng Hapee na si Bernard Yang sa suporta ni Pedro nang nagdesisyon ang Fresh Fighters na sumali sa D League pagkatapos na umalis sila sa Philippine Basketball League.

“HIndi naman ako nawala sa Hapee. I moved to Jumbo and Cafe France na ang owners nila, kaibigan ni Sir Cecilio,” dagdag ni Yang. “Ngayong bumalik ang Hapee, balik din ako sa Hapee. Mas physical ngayon ang D League compared to PBL. Kung talagang pipiliin ang Hapee sa PBA, I’m willing to be team manager.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …