Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kotongerong traffic enforcer

00 parehas jimmyDapat talaga hindi na kailangan ang mga traffic enforcer na kotongero sa Muntinlupa na kagaya ng isang R. Tolentino na sobrang arogante at patay gutom na pilit hahanapan ka ng butas para makapangotong.

Biktima ako ng tarantadong si R. Tolentino dahil pilit akong hinihingian ng isang libo dahil daw sa violation ko.

Tinanong ko siya kung ano yung violation at ang sagot niya “huwag mo ng tanungin magbigay ka na lang ng isang libo, alam mo naman napakainit ng panahon”.

Kaya dapat lang talaga na umaksyon ang ating kaibigang si Mayor Jimmy Fresnedi, ang MTLB ay dapat gumawa rin sila ng solusyon dahil marami ng ngayon nagrereklamo na biktima rin sila ni R. Tolentino at wala silang magawa dahil kinukuha nila pilit ang lisensiya at nakakadiri ang mga traffic enforcer na ganito sa Muntinlupa na patay gutom.

Dapat ito ang dinadala sa Maguindanao, kung may Fallin 44 dapat may Fallin 1 na traffic enforcer kagaya ng mukhang pera na si R. Tolentino.

***

Congratulation for a job well done sa mga nakatanggap ng certificate of commendation na binigay ni Port of Manila district Collector Mario Mendoza dahil nakamit nila ang kanilang mga koleksyon target at mga additional duties and taxes na umaabot lahat ng ilang daang bilyon.

Talagang diyan mo makikita na magaling ang kanilang mga big boss sa pangunguna ni Atty. Leovigildo Dayoja Deputy Collector for Assessment, at Coll. Cornelia Casiano hepe ng POM FED at lahat-lahat ng section ay nakamit nila ang kanilang target collection kagaya na lang ng mabait at kagalang-galang na si PCA Vivian Saclute at ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ng magandang binibini na at dating commercial endorser at kaaya-aya na at maraming inlove na si Kathlyn Ayson, Evangeline Santos, Virginia Mutya, Manuel Dionaldo Jr., Diogenes Florencio, Jamaloden Mundir at Maria Lea Cacatian.

Kagaya din ng Section 9 sa Pangunguna ni PCA Moret Salvanera na Malaki rin ang naiambag sa bayan, ganundin ang section 5 sa pangunguna ni PCA Ric De Leon at PCE Evelyn Rivera kasama ng kanilang mga tauhan.

Ganundin ang aking kumare na si PCA Marife Dangilan ng section 7 na subok sa mahusay at magaling na serbisyo publiko para sa bayan.

Ganundin ang Section 14 na si Tess Deomampo at Joey Petrachi na magagaling ang kanilang tandem. At syempre andyan din ang section 6 na magagaling at section 15.

Mabuhay kayong lahat! God bless us all!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …