Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Castro sinasandalan ng TnT

ni ARABELA PRINCESS DAWA

021715 jayson castro

DOBLE kung kumayod si Jayson Castro para tulungan iangat ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa nagaganap na PBA Commissioner’s Cup ito’y dahil sa pagretiro ni team captain Jimmy Alapag.

Binalikat ng binansagang “the Blur” na si Castro ang panalo ng TNT sa Barako Bull at Barangay Ginebra.

Humarabas ng team-high 16 points kasama ang dalawang clutch three-point baskets sa final period ang 28 anyos na si Castro upang gilitan ang Barako Bull 80-75 at ilista ang unang talo ng huli sa nasabing conference.

Dalawang araw ang nakalipas, ang dating Philippine Christian University standout, Castro ay tumapos ng 31 puntos para patahimikin ng Tropa ang Gin Kings, 104-103.

Nasundot ni Castro ang inbound pass ni Mac Baracael kay LA Tenorio upang maagaw ang bola may 2.3 segundo na lang sa orasan at kumpletuhin ang panalo ng TNT.

Nag average si Castro ng 23.5 points, 5.5 assists, 4.0 rebounds and 2,5 steals sa back-to-back wins ng Talk ‘N Text kaya nahirang siyang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa period na Feb. 9-15.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …