Friday , December 27 2024

Tahol ng ‘Resign PNoy’  

00 Kalampag percyPARANG mga aso ang ilang grupo at personalidad na nagtatahulan ng “Resign PNoy.”

Nagmamadali na sila dahil palubog nang palubog si VP Jejomar Binay at lumalabo na ang tsansa na maging Pangulo sa 2016 kung hihintayin pa nila ang susunod na eleksiyon bunsod ng pagkakabulgar sa hindi masisikmurang katiwalian na kinasasangkutan nito at ng kanyang pamilya.

Sa isyu ng FALLEN 44 sila nakasakay para itago ang kanilang tunay na agenda na mailuklok si Binay.

Mabuti na lang, kumibo ang ‘X-Men’ (ex-men in uniform) sa Kongreso na kinabibilangan ng mga mambabatas na dating opisyal ng pulisya’t militar at nagdeklarang hindi nila suportado ang ikinakahol na Resign Aquino dahil mas lalong mapanganib ang alternatibong papalit kay PNoy.

Ang nais lang nina Representatives Ashley Acedillo at Gary Alejano ng Magdalo, Leopoldo Bataoil ng Pangasinan, Romeo Acop ng Antipolo at Samuel Pagdilao Jr., ay ipaliwanag ni PNoy ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa Mamasapano operations.

Buong bansa naman ay hinihintay na mamutawi sa bibig ni PNoy ang mala-”I’m Sorry” speech ni GMA matapos ang Hello Garci scandal.

Ang isang tunay na lider ay hindi tumatalikod sa problema.

Ang pag-amin sa pagkakamali ay katangian ng isang matatag at mabuting pinuno, hindi ito karuwagan na magsisilbing aral para hindi na muling maulit pa ang isang malaking pagkakamali sa hinaharap.

Tama naman ang ‘X-Men,’ mas mapanganib na ipasa ni PNoy ang kapangyarihan sa isang taong mantsado ng katiwalian ang kanyang pamilya.

Huwag makinig sa “tahol” ng mga nagsusulong nang pagbibitiw ni PNoy dahil sa FALLEN 44 pero mistulang bulag, pipi at bingi naman sa katiwaliang kinasasangkutan ni Binay.

Isa pang nakapagtataka sa mga pangkat na ito ang sobrang pananahimik sa kuwestiyonableng desisyon ng Korte Suprema sa pagbasura sa disqualification case laban kay ousted president, convicted plunderer at “supreme cash mayor” Joseph “Erap” Estrada.

Maliwanag na mas bilib pa sila sa mga mandarambong hindi kay PNoy na “binasbasan” ang operasyon laban sa international terrorist pero maraming tropa ng gobyerno ang nalagas dahil sa pagtatraydor ng mga pinagkatiwalaan ng prosesong pangkapayapaan.

Hindi ba dapat lang na MILF ang usigin ng publiko hindi si PNoy sa isyu ng FALLEN 44 dahil lehitimong law enforcement operation ang naganap sa Mamasapano noong Enero 25?

 

BOSES NG NETIZEN:

DUTERTE-LIM SA 2016

MARIA FEMA DUTERTE (Ginatian, Cebu): “I like Mayor LIM as his Vice President!”

***

EMER ECLEO: ”Bakit hihintayin pa natin ang Election sa 2016 ngayon na kilos na po tayong mamamayan kc maraming abuso sa gabinete ni PNOY sumama po tayo sa panawagan ng Uncle nyang c babalu ayh este mali c hon. Peping Cuangco na People Power sama po ako sa People Power para sa kabutihan ni PNOY at sa Bansa kc sinasamantala nila ang kapangyarihan ni PNOY kawawang PNOY ginagamit sya sa corruption kasama na ang mga negosyante at ng mga oligarchy lets go save the President sa mga greedy politicians, business sector at ng mga oligarchy.”

***

BERNING GERVACIO: ”Go, go, go, Duterte for President!”

***

BEN CORA BAUTISTA: ”Go, go, go! Ikaw na lang ang pag-asa ng bayan.”

***

HELEN ANG: ”I will campaign for you, Mayor Digong. Go!”

***

CHARLES LABE PLAZA: ”Maayo nga si Duterte mudagan pagka presidente, Vice si Fred Lim.”

***

REY FERNANDO: ”Ngayong inihayag na ni Mayor Duterte ang kahandaan n’yang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016, handa na rin kaya s’ya sa maaaring lihim at maruming taktika na gagamitin laban sa kanya?”

 

SUNUGAN SA SAN JUAN

NALIPAT SA MAYNILA?

SONNY TAN: ”After nasunog ang Unibersidad de Manila sa Escolta, G. del Pilar naman sa Abad Santos! Anong Mall ang ipapalit n’yo dito? Sa dami ng Fire brigade na nakapaligid dito hindi agad naapula? Hindi yata normal na sa lawak ng area ay maubos agad at madamay ang ibang bldg. Maliban kung inimbakan ng highly combustible material.”

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

ni Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *