Friday , November 15 2024

Follow up sa kolum ni Mon Tulfo

00 pulis joeyHABANG pinapanood ko ang programang ‘Abunda and Aquino’ sa ABS-CBN nitong Miyerkoles ng gabi, tinalakay ni Boy Abunda ang pagsugod ng beteranong kolumnistang si Mon Tulfo ng Philippine Daily Inquirer sa College of Saint Benilde-De La Salle University.

Sinugod ni Mon ang CSB nang magsumbong sa kanya ang kanyang anak na nag-aaral dito tungkol sa talamak na paggamit ng droga ng kanyang mga kaklase, at pinatitikim daw siya.

Wala raw isa man sa mga opisyal ng school ang humarap kay Mon. Takot siguro… Siyempre, Mon Tulfo ‘yan. Ang laki ng kamao n’yan. Hehehe…

Ang komento ni Boy Abunda, dapat daw kasi ay may spokesman ang ganito kalaking eskuwelahan. Para kapag may ganitong isyu ay may sasagot. Oo nga naman…

Pero pinatotohanan ko ang reklamo ni Kuya Mon. Dalawang anak ko ang nag-aaral sa CSB. Ang isa ay graduate na at ang isa ay graduating. Naikuwento rin nila sa akin na marami silang kaklase ang gumagamit ng droga partikular “ecstacy” at “weeds.” Nagkakabentahan daw d’yan sa isang sikat na food chain along Taft Avenue, sa harap ng CSB.

Isang pulis din ang nagkuwento sa akin na may nahuli silang estudyante ng CSB na nagtutulak ng droga sa kapwa niya estudanye. Pero inarbor daw ito ng malalaking tao. Kaya wala silang choice kundi pakawalan ang naturang estudyante.

Few months ago, ang mga kagawad ng Manila Police ­District ay nakahuli ng isang foreigner (Pakistani yata) na estudyante ng CSB na nagbebenta ng ecstacy sa mga ­kaklase nito. Hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari sa ­naturang kaso.

Ayon sa ilang kaibigan ko sa PDEA, talagang target ngayon ng mga bigtime na tulak ng high-grade illegal drugs ang mga estudyante ng mga pribadong paaralan ng mayayaman.

Dapat siguro magkaroon din ng sariling imbestigasyon ang CSB sa kanilang mga estudyante. Ipa-drug test nila. Tutal napakalaki ng tuition nila. P80K per semester!

What do you think, mga Father?

Pulis na araw-araw

sa sabungan…

– Sir Joey, avid reader po ako ng kolum nyo. Sana masilip nyo po dito sa Baseco (Port Area, Manila).May dalawang pulis dito, sila “Sir Tatalon” at “Sir Juntilla” araw-araw ­nalang nagsasabong dito. Dami nilang pera. Saan kaya sila ­kumukuha ng pera? Araw-araw po talaga ang sabong dito. – Baseco concerned citizen

Baka pamilya ng mayayaman o may magagandang ­negosyo ang mga pulis na ‘yan kaya marami silang pan­sabong. Actually ang tawag d’yan ay ‘tupada.’ Bawal iyan. Ilegal! Kaya pag ni-raid ‘yan, dapat kasamang hulihin ang dalawang pulis na ‘yan. Kung araw-araw sila d’yan, ibig sabihin ay hindi na nagdu-duty ang mga ‘yan? “15-30” sila!!!

 

Kung seryoso lang

Ang PPO Cavite vs drugs…

– Mr. Joey Venancio, kung sincere lang ang PPO Cavite sa panghuhuli ng pushers sa Brgy. Datu Ysmael, Dasmarinas City, Cavite at hindi hulidap sa mga pusher na Muslim, ­mababawasan ang droga sa Cavite. -Concerned citizen

 

Totoo ang text na ito. ‘Yung mga pulis d’yan na inaambus ng “riding in tandem” ‘yan ‘yung mga nanghuhulidap ng mga tulak.

 

Masamang kalsada at puro jumper ang koryente

sa Bitao St, Caloocan City

– Sir Joey, sana mabigyan ng action itong report. Sana po mapaayos na ang kalsada namin dito sa Caloocan City, dito sa Bitao St., Amparo Subd.

Niloko lang kami ni Echeverri. Dahil lubak ang daanan at maraming squatter laganap ang jumper ng kuryente. Pano naman po kami, Sir Joey? Sana matulungan mo kami dito. Naging hanapbuhay na kasi dito ang jumper. May ­nangangapital dito para may ilaw ka sa gabi. -09231992…

Ang inyong barangay officials lalo Chairman ay dapat mag-request sa inyong mayor na si Oca Malapitan para masolusyonan ang problema ninyo d’yan. Mabait ngayon ang mayor n’yo, tyak pakikinggan kayo.

 

Mag-ingat sa mga babaing

sinanay ng teroristang si Marwan

– Sir Joey, kailangan mag-ingat ng pamahalaan natin ­dahil delikado ang mga babaeng sinanay ni Marwan. Kung ­kailangan isanglibong ingat ang gawin. Dahil ang mga ­babae ang syang kahinaan ng mga lalaki. – Black Eagle ng Bacolod

Totoo ito. Nasa 300 daw ang grumadweyt sa pagtuturo ng teroristang si Marwan na eksperto sa paggawa ng bomba at sniping.

 

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

 

ni Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *