INAASAHAN ng fire crews ang pagtaas ng bilang ng mga tawag ng saklolo bunsod nang paglabas ng pelikulang Fifty Shades of Grey sa mga sinehan.
Nangangamba ang chiefs ng London Fire Brigade (LFB) na posibleng ang ‘saucy film’ ay humantong sa maraming tao na mata-trap sa mga bagay katulad ng posas o rings bunsod ng paggaya sa maiinit na eksena, ayon sa ulat ng Press Association.
Ang pelikula ay base sa erotic romance novel ni EL James, at ayon sa brigade, nagkaroon ng pagtaas ng insidente ng mga taong na-stuck sa hindi kanais-nais na sitwasyon magmula nang lumabas ang libro nito noong 2011.
Nagkaroon ng 472 cases ng mga taong na-trap o na-stuck, kadalasang sa household items, noong 2013 hanggang 2014.
Magmula noong Abril 2013, ang fire services sa London ay tinawagan kaugnay sa 28 insidente ng mga taong na-trap sa posas, pitong insidente ng mga lalaking na-stuck sa rings ang kanilang penis.
Noong Nobyembre, sinagip ng firefighters ang isang lalaki na sumailalim sa operasyon makaraan ang tatlong araw na pagka-stuck ng dalawang metal rings sa kanyang penis.
Hindi natanggal ng mga doktor ng Kings College Hospital ang metal rings kaya napilitan ang firefighters na alisin ito sa pamamagitan ng hydraulic cutters.
Tinawagan din ang crews noon upang matulungan ang isang lalaki na na-stuck ang penis sa toaster, habang isa ang na-trap ang kanyang penis sa vacuum cleaner.
Sinabi niLFB third officer Dave Brown: “The Fifty Shades effect seems to spike handcuff incidents, so we hope film-goers will use common sense and avoid leaving themselves red-faced.” (ORANGE QUIRKY NEWS)