MAKARAAN ang masusing paglilinis ng bahay, pinalalamutian ito ng Chinese people ng masuwertengt red color decor items na nagtataglay ng golden inscriptions na may mga simbolo ng
Happiness, Longevity, Prosperity, etc.
Iba’t ibang mga bulaklak, katulad ng Chrysanthemum, Lucky Bamboo, Plum Blossoms at iba pa ang ginagamit sa Chinese New Year home decor ayon sa specific na kahulugan ng bawat bulaklak.
Mayroon ding mystic knot symbol na ginagamit sa iba’t ibang decor items, gayondin ang mga imahe ng maraming ancient gods ng Chinese culture, katulad ng Guan Yu, God of War and Justice, Jade Emperor, gayondin ang very popular na Kitchen God.
Ang lahat ng ito ay may layuning makabuo nang malinis at harmonious energy sa tahanan upang masalubong ang biyaya ng Bagong Taon.
ni Lady Choi