Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Zodiac Mo (Feb. 19, 2015)

00 zodiacAries (March 21 – April 19) Kailangan mong kumilos upang maprotektahan ang mahal sa buhay upang hindi siya magamit. Maaaring inaakala mong ikaw ay outclass ngunit hindi naman.

Taurus (April 20 – May 20) Panahon na para mag-isip ng pagpapasimula ng bagong career. Ikonsidera ang ilang mga opsyon.

Gemini (May 21 – June 20) Kailangan mong mabuti itong pag-isipan. Mahalaga ang iyong sasabihin. Kailangan ka nilang pakinggan.

Cancer (June 21 – July 22) Sa inyong pagkakalayo, mapatutunayan mo kung talagang ikaw ay mahal niya. Bigyan ng sapat na panahon at espasyo ang sarili.

Leo (July 23 – August 22) Kakaiba ang iyong ikinikilos ngayon. Ipagtataka ito ng iba. May bago kang inspirasyon na pinaghuhugutan mo ng lakas sa iyong mga problema.

Virgo (August 23 – September 22) Huwag sisisihin ang sarili sa mga kapalpakan sa buhay. Minsan kailangang magkamali upang makita ang kahulugan ng buhay.

Libra (September 23 – October 22) Hindi makatotohanan ang iyong mga layunin. Marami ka pang maiisip na higit pa rito.

Scorpio (October 23 – November 21) Isang taong dating hindi malapitan ang siyang kusang lalapit sa iyo ngayon. May matindi siyang problema at ikaw lamang ang makatutulong.

Sagittarius (November 22 – December 21) Mag-ingat sa iyong pagdedesisyon, kapag ikaw ay nagkamali ay hindi na ito maibabalik pa.

Capricorn (December 22 – January 19) Magiging emosyonal ka sa mga problemang kinakaharap mo. Huwag panghihinaan ng loob.

Aquarius (January 20 – February 18) Masyado kang abala sa araw na ito kaya’t nakaliligtaan mong kailangan ang atensyon mo ng iyong mga mahal sa buhay.

Pisces (February 19 – March 20) Masyado ka nang nahahapo sa puro trabaho sa maghapon. Humingi ng bakasyon at magpahinga.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mahirap unawain ang ugali ng iba ngunit dapat mong kayanin. Ikaw ang higit na nakauunawa kaya ikaw na ang magparaya.

 

 

ni Lady Dee

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …