Monday , December 30 2024

2015: Kambing ba o Tupa?

ni Tracy Cabrera

021915 goat sheep 2015

ANO nga kaya?—tanong ng marami.

Nagbunsod ng debate ang pumasok na lunar new year para tukuyin kung alin nga bang zodiac creature ang naaayon dito -— ngunit hinatulan ng mga Chinese folklorist bilang maling pagtukoy sa alin mang hayop bilang paglihis sa tunay na kahulugan ng taon.

Iniuugnay ng tradisyonal na astrolohiya sa Tsina ang iba’t ibang simbolo ng hayop sa bawat lunar year sa sikolo umiikot sa kada 12 taon.

Ang simbolo para sa bagong taon ngayon simula sa araw na ito ay ‘yang’ na maaaring i-refer sa alin mang miyembro ng caprinae subfamily—o labis pa rito—depende kung aling karagdagang Chinese character ang ipanares dito.

Halimbawa, ang kambing (goat) ay isang ‘mountain yang’ ang kambing ‘soft yang’ at ang Mongolian gazelle ‘yellow yang.’

Parehong makikita ang kambing at tupa sa mga debuho ng Chinese new year, at maging sa paper-cut at iba pang mga dekorasyon para sa pagdiriwang ng bagong taon.

Ayon sa mga folklorist, balewala rin naman kung alin ang pipiliin dahil ang zodiac sign ay pinili para sa kahulugan ng Chinese character kaysa naturang hayop.

“Ang ‘yang’ na ito ay fictional. Hindi ito nakaugnay sa espesipikong uri (ng tupa o kambing),” punto ni Zhao Shu, researcher sa Beijing Research Institute of Culture and History, sa AFP.

Ang ‘yang’ ay bahagi ng written Chinese character na xiang, na ang ibig sabihin ay ‘auspiciousness’ at ang dalawa ay hinahalinhinan sa sinaunang Chinese, paliwanag ng mga eksperto.

Ito’y bahagi rin ng character na ‘shan’ na kumakatawan sa kabaitan at benevolence bilang kahulugan nito.

“Kaya ang ‘yang’ ay isang simbolo ng . . . pagpapala at suwerte at kumakatawan sa magagandang bagay,” punto ni Yin Hubin, ethnology researcher sa China Academy of Social Sciences.

Sinabi ni Zhao na “kung alin man ang kilalanin para sa taon—tupa, kambing o Mongolian gazelle—ayos lang.

“Ito ang nakatutuwa sa Chinese characters,” aniya.

Ngunit may ilang mga scholar na nagsasabing mas mainam na opsyon ang kambing para sa tradisyonal na Han Chinese holiday, dahil ito ay pangkaraniwang alaga ng dominanteng ethnic group sa Tsina, ayon sa opisyal na Xinhua news agency.

Gayon pa man, winakasan din ang argument rito: “Ang year of the yang, 2015, ay hindi tupa o kambing. Ito ay maganda at eleganteng milk yang! Masaganang gatas, damit at pagkain,” isinulat ng isang user sa Sina Weibo, ang Chinese equivalent ng Twitter.

 

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *