Friday , December 27 2024

Kiong Hee Huat Chai!

CNYBINABATI po natin ang lahat ng ating suki ng Kiong Hei Huat Chai!

Mamayang gabi po ay bisperas na ng Chinese New Year at dakong gabi ay opisyal nang papasok ang Year of the Green Wood Sheep.

Alam nating napakalakas ng impluwensiya ng mga paniniwala at kaugalian ng mga Chinese. Sa totoo lang kung dati ay mga Chinese lang ang makikita sa Binondo para mamili ng mga aksesorya at pagkain para sa pagpasok ng Chinese New Year, ngayon marami na rin tayong nakikitang mga Pinoy.

Anyway, wala naman pong masama roon. Sabi nga ‘e wala namang mawawala lalo na kung susuwertehin at gagaan talaga ang kabuhayan ninyo. Pero mag-ingat po kayo  at huwag magpaloko sa mga sa mga pekeng Feng Shui master kuno.

Higit sa lahat, huwag ninyong kalilimutan, na tayo pa rin ang lilikha at magbibigay ng direksiyon sa ating buhay.

Gaya rin ‘yan ng pagdarasal sa Dakilang Manlilikha. Kahit anong dasal kung hindi naman tayo umaaksiyon at gumagawa nang tama at mabuti para sa pagbabalik ng mabuting Karma ‘e wala rin po tayong aanihing maganda.

Sa pagpasok ng Year of the Green Wood Sheep, magsikhay pa po tayo at kumilos para sa ikagaganda ng buhay ng mga susunod na henerasyon sa ating pamilya sa partikular at sa buong bansa sa kabuuan.

Kiong Hee Huat Chai!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *