Kampanya vs ‘Pirata’ pinaigting pa ng NBI Bilang pagpapalakas sa IPOPHL
Jerry Yap
February 18, 2015
Opinion
NATUTUWA tayo sa kampanyang inilulunsad ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI)-IPR UNIT laban sa mga ‘piratang’ malalakas ang loob na mamugad sa bansa at patuloy na nagpapakalat at nagbebenta ng iba’t ibang klaseng pekeng produkto.
Ang kampanya ay bahagi rin ng suporta sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL).
Kamakailan nga lang ay sinalakay ng mga tauhan ni Atty. NELSON LALUCES, hepe ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights (NBI-IPR) ang mga area sa Binondo, Baclaran, Pasay City na pinamumugaran ng mga nagbebenta ng pekeng signature pants, sapatos gaya ng Nike at marami pang iba.
Hindi naman tayo racist, pero nalulungkot tayo na karamihan ng mga nahuhuli ng NBI-IPR ay pawang Chinese nationals na s’yempre nabibisto rin na illegal aliens na tax evader pa.
Kung hindi tayo nagkakamali nitong nakaraang taon (2014) ay natanggal na ang Philippines sa USTR Special 301 Watch List in 2014. Isa itong manipestasyon na ginagawa ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin upang mapatatag ang imahe ng bansa na kumikilala at iginagalang ang intellectual property rights.
Kaya naman talagang puspusan ang kampanya nina Atty. Laluces base sa instruction ni NBI director VIRGILIO MENDEZ laban sa mga pirata.
Ang pamemeke ay isang uri ng pagnanakaw hindi lang sa kompanyang gumagawa ng pinepekeng produkto kundi sa kabuuan ng ekonomiya ng bansa.
Nagbanta rin si Atty. Laluces sa mga naka-‘TONGPATS’ sa mga negosyanteng Tsino na mamemeke.
Babala po ‘yan sa lahat, mula sa mga opisyal ng pamahalaan na nakikisangkot sa maling gawain na ito hanggang sa ilang taga-media na mahilig umarbor sa mga huli ng NBI.
Mabuhay ka, NBI Atty. Nelson Laluces!
Boyet del Rosario ng Pasay City lumalakas sa mga barangay chairman
NATUTUWA raw si Mr. Boyet del Rosario dahil mukhang lumalakas ang tunog ng kanyang pangalan sa Pasay City.
E paano naman daw hindi lalakas, e napakalakas din daw maghatag sa mga barangay chairman?
Kung hindi tayo nagkakamali, ang mga barangay chairman sa Pasay City ay nakatatanggap umano ng P4,000 monthly allowance mula sa Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO).
No wonder, na nabasa natin sa isang pahayagan na sasama na raw ang mga barangay chairman kay Boyet del Rosario. Saan kaya sila sasama? Sa Resorts World o sa Midas hotel?
Pero ayon nga sa ilang beterano sa politika sa Pasay, mabibigat ang mga tatapatan ni Yes Boyet Del Rosario. Una na nga ang incumbent vice mayor na si Marlon Pesebre.
Naririyan din ang laging handang-handa nang si Onie Bayona at ang very eager na si outgoing Councilor Richard Advincula Sr.
Maikasa kaya ni Boyet del Rosario ang sinasabing malakas at matunog niyang pangalan para siya ay magwaging vices ‘este Vice Mayor ng Pasay City sa 2016?!
Well, ang masasabi lang natin d’yan, nasa kamay pa rin ni Mayor Tony Calixto ang ‘go signal’ ng kandidatura ni Boyet del Rosario.
At ‘yan ang aabangan natin!
Kiong Hee Huat Chai!
BINABATI po natin ang lahat ng ating suki ng Kiong Hei Huat Chai!
Mamayang gabi po ay bisperas na ng Chinese New Year at dakong gabi ay opisyal nang papasok ang Year of the Green Wood Sheep.
Alam nating napakalakas ng impluwensiya ng mga paniniwala at kaugalian ng mga Chinese. Sa totoo lang kung dati ay mga Chinese lang ang makikita sa Binondo para mamili ng mga aksesorya at pagkain para sa pagpasok ng Chinese New Year, ngayon marami na rin tayong nakikitang mga Pinoy.
Anyway, wala naman pong masama roon. Sabi nga ‘e wala namang mawawala lalo na kung susuwertehin at gagaan talaga ang kabuhayan ninyo. Pero mag-ingat po kayo at huwag magpaloko sa mga sa mga pekeng Feng Shui master kuno.
Higit sa lahat, huwag ninyong kalilimutan, na tayo pa rin ang lilikha at magbibigay ng direksiyon sa ating buhay.
Gaya rin ‘yan ng pagdarasal sa Dakilang Manlilikha. Kahit anong dasal kung hindi naman tayo umaaksiyon at gumagawa nang tama at mabuti para sa pagbabalik ng mabuting Karma ‘e wala rin po tayong aanihing maganda.
Sa pagpasok ng Year of the Green Wood Sheep, magsikhay pa po tayo at kumilos para sa ikagaganda ng buhay ng mga susunod na henerasyon sa ating pamilya sa partikular at sa buong bansa sa kabuuan.
Kiong Hee Huat Chai!
Mga residente sa Barangay 179 Caloocan City nanganganib sa mga squatter sa Capitol Park Homes 2 (V.V. Soliven pinabayaan ang subdibisyon)
LABIS ang pangamba ngayon ng mga residente sa Barangay 179 d’yan sa Caloocan City.
‘Yung subdibisyon kasi ng V.V. Soliven na Capitol Park Homes 2 (malapit sa pinakamatandang subdibisyon na Amparo Subdivision) d’yan sa Caloocan City ay iniwan na ng kanilang developer na V.V. Soliven. Hindi na nagawa ‘yung club house at iba pang amenities. Maging ang mga kalsada ay hindi naiayos maigi at hindi nai-turnover sa city government.
Sa katunayan, sandamakmak na ang mga squatter sa loob ng subdivision lalo na roon sa lugar na dapat pagtayuan ng club house. Wala kasing bakod ang nasabing subdibisyon at wala na rin security guard kaya napasok ng mga squatter.
Ngayon ay talamak at sandamakmak umano ang gumagamit ng jumper ng koryente mula sa linya ng Meralco at maging linya ng tubig ng MWSS ay ninanakaw din.
Kaya naman labis ang pangamba at pagkairita ng mga taga-Barangay 179 dahil normal lang na sila ang magpapasan sa ninanakaw na koryente at tubig ng mga squatter sa loob ng Capitol Park Homes 2. Natatakot din ang mga taga-Barangay 179 dahil possibleng pagmulan ng sunog ang pagnanakaw ng koryente sa loob ng nasabing subdibisyon. Nasaan na ang V.V. Soliven?! Paging MERALCO and MAYNILAD pakibusisi ng linya ninyo sa CAPITOL PARK HOMES 2!
TBICAI Gen Sec pinapapalitan
Gd day po! Dpat palitan ung general secretary ng TBICAI Taguig Commercial Inc. c Am chat Ramirez kc mlakas humingi ng solicitation mukhang kotong na. Dnt publish my # +63916428 – – – –
Binaboy na hustisya
Dati ang hustisya dito sa lipunan natin ay para sa may mga pera at kapangyarihan o talagang mayayaman… ngaun mas lalung lumala, babuy na ang batas, walangkatarungan, at puro kriminal na ang mga nagpapatupad ng mga batas dito, ‘ika nga hostage ng mga salot na lider lahat pati mga kaluluwa nating mga mamamayan! Gising at kilos mga mamamayang may pakialam! Gandang tanghali mga katapat! Ka-tropa Donald ng Tondo! #+630919665 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com