Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Try Me: Problema ng mga Virgin

00 try me francineHi Miss Francine,

Ako ay 26 years old at may boyfriend po ako. Naguguluhan ako kasi gusto na po niya makuha ang pagkababae ko… Virgin pa po ako. Nakakaramdam ako ng nerbyos at takot kaya pinipigilan ko siya sa mga ginagawa niya saken dahil naiilang ako. Sa pagkakaalam ko sa una daw masakit at isa pa natatakot ako mabuntis niya ko agad kahit sinasabi niya na di niya gagawin yun. Mas naalarma po ako nang minsan binanggit niya na nawawala daw ang libog nya sakin. Natatakot ako iwan niya ko at baka mabored… Ano dapat kong gawin? Kasi nagaaya na naman po siya, mas nangingibabaw ang tense ko kesa enjoyment… di ko alam kung paano ihandle ang sarili ko para maging komportable ako. Mahal ko din naman talaga ang boyfriend ko please give me advice. Thank you and more power po!

SENYORITA

 

Dear Senyorita,

Kung talagang mahal ka ng boyfriend mo ay rerespetuhin niya ang gusto mo na hindi muna ibigay ang pagkababae mo. Sa nangyayari sa inyong dalawa ay mas makikilala mo ang boyfriend mo at malalaman mo kung ano ba talaga ang gusto niya sa’yo, ‘yung katawan mo lang ba o ikaw talaga? Kung pagpipilitan niya na isuko mo sa kanya ang ‘Bataan’ pero kung ayaw mo talaga ay huwag mong ibigay. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niyang hindi ka bubuntisin, hindi ka iiwanan etc etc, siyempre susuyuin ka niya para makuha ang gusto niya. Mas gamitin mo ang utak mo kaysa puso mo. Huwag kang matakot na mabored siya sa’yo at mawalan ng libog, dahil kung tunay ang nararamdaman niya sa iyo, hindi niya ito sasabihin sa’yo.

Hindi lamang siya ang lalaki sa mundo kung ang pagbabasehan ng pag-ibig niya sa’yo ay ibigay ang virginity mo sa kanya. May darating para sa iyo na willing maghintay para pakasalan ka at tunay na mamahalin ka ng buong-buo. Sana ay malinawagan ka sa payo ko. Salamat sa pagtitiwala.

Love,

Francine

***

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at na-research. Nasa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …