Friday , December 27 2024

Panggising sa katotohanan

00 firing line robert roqueAng trahedyang sinapit ng 44 na PNP-Special Action Force (SAF) commandos na minasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay nagsilbing panggising sa katotohanan.

Ayon sa paliwanag ni Police Director Getulio Napeñas, ang sinibak na SAF commander nang dahil sa pagkasawi ng kanyang mga commando, ay siya ang dapat sisihin sa naganap. Hindi raw ito inutos nina President Aquino at ng noon ay suspendidong PNP Chief, Director-General Alan Purisima, pero inakala niyang tuloy ang misyon nang dahil sa dati nilang napag-usapan.

Kung nagtagumpay ang misyon ay babango ang pangalan ni Purisima na bumaho sa mga iregularidad na kanyang kinasangkutan. Pero dahil pumalpak ito ay nabuko ang ilang kapalpakan, kabilang na ang paglilihim nito kina Interior Secretary Mar Roxas at PNP officer-in-charge Leonardo Espina, at hindi pakikipagkoordinasyon sa militar.

Sabihin man ni Purisima na nagpayo lang siya at hindi nagbigay ng utos, kung ito ay nagmula sa hepe ng PNP ay natural lang na sundin ng opisyal na kanyang nasasakupan.

Kahit suspendido si Purisima, ang tanong ay bakit siya nakikibahagi sa mga pagpupulong sa pagsasagawa ng misyon? At sino ang maniniwala sa kanyang sagot kay Senator Franklin Drilon na naroon man siya sa mga meeting ay tahimik lang siya at hindi nagsasalita.   

Nalaman tuloy natin na nagsasagawa pala ng misyon ang PNP nang walang kaukulang awtorisasyon at kung mayroon man, hanggang sa kasalukuyan ay inililihim pa rin sa publiko kung kanino ito nagmula. Karapatan ng mga mamamayan, lalo na ng mga naulila ng SAF, na malaman kung sino ang nag-utos sa misyon na kanilang ikinasawi.

Higit sa lahat, nang dahil sa sinapit ng “Fallen 44” ay namulat ang mga mata natin sa totoong kulay ng MILF bago pa matapos ang “Bangsamoro Basic Law” na magbibigay sa kanila ng mas malawak na kapangyarihan para palitan ang naunang “Autonomous Region in Muslim Mindanao.”

Nagpapasalamat tayo kay Ginoong Carlos Alonzo sa ilang komento na kanyang ipinadala at ibinahagi sa ating [email protected], kaugnay ng BBL at ng pagpaslang sa ating mga pulis:

“As per the BBL agreement, my opinion is that it should be scrapped.”

“Let us say it is agreed and signed, they gave them the budget of billions of hard-earned money by Pilipino people. Will they lay down their arms – well no! They will still keep their guns, have their own police and army and nobody can just go in there to arrest killers and murderers.”

Ikinumpara ni Mr. Alonzo ang naganap na masaker sa pulis na pumasok sa isang bahay para arestuhin ang killer. Nang masugatan ang pulis sa barilan ay puwede itong talian at bihagin bago i-report ang naganap. Pero ang ginawa ng mga rebelde ay pinatay ang pulis, ninakawan ng mga baril at cell phone, at sinisi ang awtoridad kung bakit pinasok ang kanilang bahay.

“To defend their house is right, yes, I agree! But to slaughter the police that survived (take note that they know these are PNP)… Well, they are just plain murderers!” ang pananaw ni Mr. Alonzo, na tumutugma rin naman sa paniwala ng sambayanan na nagpupuyos sa galit sa naganap.

Nakita natin na dapat pa rin palang bantayan ng mga mamamayan ang ikinikilos ng matataas na opisyal ng gobyerno, at kung naaayon ba ito sa mga itinakdang alituntunin, upang hindi na maulit na mauwi sa disgrasya ang buhay ng ating mga alagad ng batas sa palpak na diskarte.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *