Madalas ko mapanagingpan, na karnap ang jip ko, parang totoo, nawawala ang jip, problemado, ako sa panaginip ko, kc wala na ung jip ko, parang tvnay na wala na ako jip, pg gising ko sa umaga, hndi pala nakarnap kc andito pa sa garahe ko, ano kaya meaning ng dream ko, sa jip ako natutulog. Thanks (09109551003)
To 09109551003,
Kapag nakakita ng jeep sa panaginip, ito ay nagsasaad ng pangangailangang ma-adopt ang mas aktibong lifestyle at mas mabuti kung ngayon mo na ito isasakatuparan o sisimulan. Alternatively, posible rin na paalala ito sa iyo ng pangangailangang magdagdag ng excitement o ng non-conventionality sa iyong sex life.
Pero, dahil may jeep ka talaga at dyan ka pa natutulog, ito ay nagpapakita ng labis mong pagbibigay importansiya o pagpapahalaga sa iyong jeep at ng labis mong pag-aalala sakaling may mangyaring masama sa iyong jeep. Ang iyong panaginip ay reflection ng iyong damdamin at ng nilalaman ng iyong subconscious kaya naging ganito ang tema ng iyong bungang-tulog. Kung ang jeep mo ay gamit mo rin sa iyong trabaho o ipinapasada mo, mas lalong sumasalamin ang panaginip mo sa aspetong pinansiyal at pangkabuhayan, dahil nakasalalay ang malaking bahagi ng mga bagay na ito sa iyong jeep.
Señor H.