Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Castro PoW ng PBA

ni James Ty III

021715 jayson castro

NAGING bayani si Jayson Castro para sa Talk n Text nang nakalusot ang Tropang Texters kontra Barangay Ginebra San Miguel, 104-103, noong Linggo sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Inagawan ni Castro ang huling inbounds pass ni Mac Baracael na dapat sana ay para kay LA Tenorio sa huling 2.3 na segundo upang pigilin ang dapat sanang panalo ng Kings at maibigay sa Tropang Texters ng panalo.

Nagtala si Castro ng 31 puntos, anim na rebounds, siyam na assists at tatlong agaw para pangunahan ang Texters sa kanilang ika-apat na panalo kontra isang talo katabla ang Purefoods Star Hotdog.

Bago nito, gumawa si Castro ng 16 puntos sa 80-75 na panalo ng TNT kontra Barako Bull noong Biyernes.

Dahil dito, napili si Castro ng PBA Press Corps bilang Player of the Week para sa linggong Pebrero 9 hanggang 15.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …