Friday , November 15 2024

Another one bites the dust (Ika-34 media man sa administrasyon ni Noynoy Aquino)

00 Bulabugin jerry yap jsyMAHIGIT nang isang buwan (Enero 7) nang ratratin ng criminal-in-tandem ang mamamahayag na si Nerlie Tabuzo Ledesma ng Abante sa Bataan. 

Si Nerlie ang itinuturing na unang casualty sa taon 2015 at ika-33 sa administrasyon ni PNoy… at hindi siya nag-iisa dahil nitong Sabado, araw ng mga puso, isang walang pusong kriminal ang pumaslang sa harap mismo ng DRYD-AM station sa Tagbilaran City, Bohol, sa radio broadcaster na si Engr. Maurito Lim.

Ang programang “Chairman Mao on Board” ni Engr. Lim ay umeere lamang tuwing araw ng Linggo at kung Sabado naman ang kanyang “Banikanhong Haranista.”

Mantakin ninyo, dalawang araw sa loob ng isang linggo lamang nagbobrodkast si Engr. Lim meron pang ‘napikon’ at tinamaan?!

Hindi pa umano naipipirmis ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa pamamaslang kung ito ba ay may kaugnayan sa kanyang pagiging retiradong Napocor official, sa kanyang programa sa radio o sa kanyang negosyo.

Alin man sa tatlo ang motibo ng pamamaslang, ang ginawa ng kriminal ay masamang senyales o pananakot para sa mga mamamahayag dahil sa harap mismo ng estasyon ng radio itinumba si Engr. Lim.

Tahasang harassment ito sa hanay ng mga mamamahayag dahil kung ating lilimiin, ang bawat estasyon ng radyo at telebisyon o tanggapan ng ano mang diyaryo o magazine ay kinikilalang sumbungan o kanlungan ng mga naaagrabyadong mamamayan na hindi makahingi ng tulong sa mga awtoridad.

Kunsabagay, may kilala nga akong opisyal ng isang media organization na grabeng mang-BULLY ng kapwa mamamahayag.

Ang pagpaslang sa miyembro ng media sa mismong tanggapan o teritoryo nila ay tahasang paglapastangan sa kalayaan sa pamamahayag lalo na’t walang aksiyon ang awtoridad para sa ikadarakip ng mga pumaslang.

Higit na nakapangangamba kung hindi maaaresto ang mga pumaslang at iba pang kasangkot dahil maaari pa nila itong ulitin.

Hindi na tayo magtataka kung bago matapos ang termino ni PNoy ay umabot pa sa 44 ang mapaslang na mamamahayag sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Baka mas magtaka pa tayo kung tumigil na kay Engr. Lim ang pamamaslang at kung bago matapos ang termino ni PNoy ay biglang bulagain ni Justice Secretary Leila De Lima ang media para iharap ang mga suspek sa 34 na pamamaslang.

Ano sa palagay ninyo mga katoto?!

Airport Police Headquarters walang koryente (Anyare!?)

JESUS GORDON DESCANZO as in susmaryosep!

Alam n’yo ba kung ano ang itsura ng mga pulis ninyo na nagdu-duty sa headquarters ninyong walang koryente?!

Naiisip kaya ni Airport Police chief, ret. C/Supt. Jesus Gordon Descanzo kung gaano kadelikado ang dinaranas na pagdu-duty ng mga Airport police sa kanilang headquarters na walang ilaw, walang electric fan at computer lalo na sa gabi dahil walang koryente?!

Daig pa nga raw ang itsura ng mga preso ng mga pulis sa APD HQ dahil marami sa kanila ang ginagalis na dahil sa pamamapak ng lamok.

At para magkakitaan naman sila s’yempre magsisindi na lang ng kandila o kaya ay may dala silang sariling rechargeable lamp/fan.

E paano ang paggawa nila ng police or duty report?! 

Kinakamay na lang muna?

Gen. Descanzo, alam mo ba kung ilan beses namumura ng mga taong pabalik-balik sa APD HQ  para kunin ang traffic incident report  sa  iyong mga pulis?

Dahil nga walang koryente ay hindi magawa ng mga pulis mo ang police report na kailangan nila para mag-claim sa car insurance.

Tsk tsk tsk…

Mauunawaan pa natin ang ganitong sitwasyon sa mga remote na barrio sa bansa pero hindi sa Metro Manila.

Maitanong lang nga po Kernel Descanzo, bakit nga ba hanggang ngayon ‘e walang koryente ang headquarters ninyo?!

Bakit hindi mapalitan agad ang transformer na may diperensiya?!

Saan napupunta ang budget ninyo para sa koryente at tubig?! Hindi ba’t mayroon namang budget d’yan?!

Naghihintay pa ho ba ng bidding-bidingan?

Pakisagot na nga General, ang dami kasing nagtataka kung bakit nagkaganyan ang APD HQ sa ilalim ng pamumuno ninyo.

First time umano na nangyari ‘yan sa history ng APD?!

‘Transition gov’t’ ng mga paring Katoliko

KAYA siguro nagsusumbong si PNoy kay Pope Francis ‘e…parang pinagtutulungan siya ng mga alagad ng simbahan sa ating bansa.

Kumbaga, simbahan na nga lang sana ang pwedeng pagsumbungan ni PNOy, pero hayan at nananawagan at kinokombinsi pa ang ilang sektor na suportahan ang panawagan nilang PNoy resign o transition government?!

At sino naman ang ipapalit nila, aber?!

‘Yan ang hirap sa ibang Pari, imbes maglunsad ng mga community program or projects sa kanilang Parokya para makatulong sa mga indigents ‘e tsismis ng kudeta ang pinagagana.

Tsk tsk tsk…

Mas mabuti siguro, mga Father ‘e mag-SIESTA na lang kayo tuwing tanghali kaysa mag-tsismisan?!

Kung ano-ano kasi ang naiisip ninyong panghikayat sa mamamayan…

Magpahinga kayo nang mapanatag ang mga pag-iisip ninyo!

Amen!

MPD PS-7 natutulog sa pansitan? (ATTN: S/Supt. Rolando Nana!)

SIR Jerry, gandang gabi po. Pakibulabog naman ang MPD PS7. Bukod kasi sa drogang hindi masawata e, ngayon pati pagsusugal talamak na rin 24 oras. Hihinto lang pag dumating na ‘yung Sampaguita. Problema kami ang napeperhuwisyo. Hindi kami makatulog sa gabi hanggang madaling araw. Napakainutil ng mga ibinoto namin opisyal ng  brgy. Mga nagpapalaki ng tiyan. Dito po sa tapat ng bahay namin sila nagsusugal, sa Brgy. 215 Zone20 Callejon Dos, Solis St., Tondo Manila. Puro mga dayong adik ang parokyano ng shabu tiangge dito. Dati na rin nagkahulihan dito, pero ‘ala rin nagkalagayan lang ‘ata. Tulungan n’yo po kami sa problema namin sir Jerry na dati na namin sa iyo nailapit. Salamat po. Don’t publish my info.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *