Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ano ang gagawin sa annual Feng Shui cures?

00 fengshuiANO ang gagawin sa inyong existing annual feng shui cures, kung panahon na para mag-apply ng new year updates? Ididispatsa mo ba ang iyong feng shui cures at bumili ng bago o muli mo itong gagamitin?

Ang unang dapat gawin sa annual feng shui cures ay hatiin ang mga ito sa “protectors” at “enhancers.” Maraming feng shui cures ang maaari sa dalawang kategor-yang ito, kaya ang iyong desis-yon ay maibabase kung paano ginamit sa taon ang specific cures.

*Protectors. Ito ay feng shui cures na gina-gamit sa challenging areas ng bahay o opisina. Ilan sa most popular annual cures na kabilang sa “protectors” category ay salt water cure, the Pi Yao/Pi Xiu, Chi Lin, Fu Dogs, 6 rod metal, wind chimes, etc.

*Enhancers. Ang feng shui na ito ay inilalagay sa bagua areas ng bahay o opisina, lugar ng auspicious stars ng taon. Ang

most popular positive energy enhancers ay gem, o crystal money tree, Laughing Buddha, Chinese coins, lucky bamboo, fountains, Money Frog, etc.

*Both functions. Maraming feng shui cures – katulad ng Medicine Buddha, Wu Lou, Dzi beads, Kwan Yin, Dragon, Elephant, 3, 6 or 9 Chinese coins, iba’t ibang crystals and stones, ang maaaring gamitin sa challenging ga-yondin sa auspicious energy areas.

Ang inyong desisyon kung maaaring muling gamitin o idispatsa ang existing feng sui cure ay depende sa 2 factors:

Paano ginamit ang specific cure sa loob ng buong taon.
Anong uri ng mater-yal yari ang feng shui cure.

Kung ang inyong feng shui cure ay yari sa durable, good quality material katulad ng iba’t ibang crystal and stones, brass, high quality glass o polished wood, maaaring hindi idispatsa ang mga ito kundi kailangan linisin, at muling i-activate.

Ngunit kung ang na-gamit nang feng shui cure ay yari sa low quality material (plastic, resin, etc), makabubuting idispatsa na ang mga ito at bumili na lamang ng bagong feng shui cure.

Tanging isa lamang very popular annual feng shui cure ang hindi na maa-aring muling gamitin, ang salt water feng shui cure. Ka-dalasang ang cure na ito ay pinapalitan nang ilang beses sa loob ng isang taon, ito ay kapag na-absorb na ng salt water cure ang too much energy at hindi na nito magagawa pa ang kanyang trabaho.

Kailangan na rin idispatsa ang feng shui cure kapag ito ay may nasira nang bahagi.

Ang crystal o stone ay sasagap ng overwhelming amount ng negativity na hindi na maaaring maalis sa regular crystal cleansing. Sa kasong ito, ma-kabubuting ibaon ang crystal sa lupa (Earth) o ibigay ito sa body of water. Ang “protectors” feng shui cures ang kadalasang nangangailangan ng ‘cleansing o discarding.’

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …