Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Sheep para sa Year of the Sheep

ni Tracy Cabrera

122714 wooden sheep

PARA sa Kambing (Sheep), ang taong 2015 ay magiging mayaman sa mga positibong emosyon at nakalalasing na romantikong pakikipagrelasyon; dahil na rin ito sa patron nito—ang Ram o Goat—ay ganito ang personalidad: siya ay mabait, adbenturero, madaling madala ang damdamin sa mga bago at exciting na bagay, pero madali rin mawalan ng interes.

Hindi mainggitin ang Kambing saka-ling aksidenteng madiskubre na mas malaki ang suweldo ng isang kasamahan at hindi rin nadedesmaya kung may kamalasang mangyari sa kanya. Para sa kanya, maganda ang buhay kaya kailangan lang na maging maganda rin ang mga taong naririto—ito ang motto ng patron, dapat na laging isaisip ito.

Huwag maging emosyonal sa paminsan-minsang kabiguan at pagkakamali—hindi ito naaayon sa pag-uugali ng Kam-bing.

Ang bawat problema ay katulad ng isang sangang may tinik at nasa sa atin kung ito ay ilalapit sa puso o ialay para maiwasang matinik. Hindi rin uso ang matinong pag-iisip at common sense kapag ang katanungan ay may kinalaman sa pag-ibig. Mag-iiwan ang 2015 ng bahid na di-mali-limutan sa ating kaisipan at puso sanhi ng mga memorableng relasyon at kaaaya-a yang mga damdamin.

Pinahahalagahan ng Kambing ang sinseridad, damdamin at pagiging mapagkaloob, ngunit kasabay din nito ay kaprityoso ang patron. Kapag umiibig, handa siyang ibigay ang buong buhay sa iisang indibiduwal sa pama-magitan ng pag-aalay ng kalangitan at karagatan sa pa-anan ng minamahal; ngunit ang realidad ng tunay na buhay na nababahiran ng kahirapan sa pag-aaruga at pa-ngangasiwa sa tahanan ay laging dahilan para mawala ang mabulaklak na kagandahan sa pa-kikipagrelasyon.

Sa 2015, madalas ang pagrereklamo at paghanap ng balikat na puwedeng iyakan; kaya nga magiging in demand ang mga taong marunong tumugon at isara ang kaisipan sa mga hinaing.

Sa 2015, ang mga mag-asawa ay sisimulang magtakda ng kani-kaniyang tungkulin at gawain sa tahanan para sa isa’t isa. Marami ang sasang-ayon sa kasabihan “hanggang ang dalawang nag-iibigang puso ay magkasama, ang isang kubo ay parang paraiso sa kanila.”

Sa taon ng Wooden Sheep (Ram, Goat) ang nagungunang career ay mga creative profession. Kung umaawit, pumipinta, sumusulat ng tula o musika, makakamit ang basbas ng patron. Generally speaking, alin mang gawain na gagawin nang may damdamin at kasiyahan ay garantisadong magtatagumpay.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …