Sunday , November 17 2024

Ang 17th annual PHILTOBO Gintong Lahi Awards at ang KABAKA Foundation

00 dead heatMATAGUMPAY na idinaos ang “17th Annual Philtobo Gintong Lahi Awards at ang Gintong Lahi Racing Festival sa karerahan ng Metro Manila Turf Club, Inc. Malvar, Batangas City.

Pinamunuan ang nasabing okasyon ni Philtobo President Bienvenido “Nonoy” Niles, Jr na ngayon ay isa nang Commissioner ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Dumalo rin ang mga kilalang pangalan na may kinalaman sa Horse Racing Industry dito sa ating bansa.

Nakita sa okasyon sina MMTC Chairman Dr. Norberto Quisumbing, Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos,Jr, Atty. Joy Rojas, PCSO manager, Mr. Raymond Puyat, Mr. Manny Viray, Philtobo Chairman Antonio Lagdameo, Mr. Manny Santos at maraming pang iba.

Nakita rin sa pagdiriwang ang mga bagong opisyal ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni Chairman Andrew Sanchez.

Binigyan ng karangalan ng Philtobo ang mga sumusunod na “Players” sa Horse Industry noong nakaraang taon: Mandaluyong Mayor Benhur Abalo,Jr., Horse Owner of the Year; Jockey Jhonathan Hernandez, Jockey of the Year 2014; Ruben Tupas, Trainer of the Year; Horse of the Year Hagdang Bato; at Breeder of the Year, Benhur Abalos, Jr.; at Stallion of the Year na pag-aari ni Mr. Hermie Esguerra.

oOo

Nagpapasalamat si Dr. Norberto Quisumbing sa mga nagpapakarera sa kanilang karerahang Manila Metro Turf na nangakong lalo nilang pinagaganda ang mga ihahaing karera para lalong mainganiyo ang mga horse owners.

Isa na lang po Dr. Quisumbing, ang dapat ayusin ng karerahan ninyo, ito po yun MASAMANG SIGNAL na nakikita sa mga TV MONITOR sa mga OTB at sa TV monitor.

Marami tayong naririnig na masamang PUNA sa Bayang Karerista! Sana ay maaayos agad ito para lalong lumakas ang “SALES” ng karerahan ninyo.

oOo

MARAMING mahihirap sa Lungsod ng Maynila ang natutulungan ng KABAKA Foundation sa pamumuno ni 5th Congressman Amado S. Bagatsing.

Mayroon ito na manpower Training & Assessment Center.

Nagbigay ito ng libreng pag-aaral sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II sa mga high school graduate ng lungsod.

Bibigyan ang mga mag-aaral ng libreng tuition, materIals, T-Shirt Uniform at TESDA assessment.

Ito ay simula Enero 20 at hanggang Pebrero 27, 2015 at magpalista sa KABAKA, 2nd floor KMTAC Bldg. KABAKA compound, Jesus St., cor. Nagtahan, Pandacan. Manila.

Contact Person: Ms. Carmen Moreno CP no. 0917-623-3443.

ANO PA ANG HINIHINTAY NINYO, PUNTA NA!!!

 

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

 

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *