Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alyas Tom Cat (Part 18)

00 alyas tomcatNAKAGAWA NG PARAAN SI SGT. TOM NA MAGKITA SILA NG KANYANG MAG-INA

Sa iba’t ibang pagkakataon kasi ay kinakailangan niyang tumikim ng shabu o marijuana. Bahagi iyon ng trabaho niya noong kasagsagan ng pagmamanman niya sa mga drug addict, drug pusher at drug dealer. Mara-ming taon din siyang gumamit ng droga sa pakiki-jamming sa mga adik at pagtikim-tikim niyon sa pakikipagtransaksiyon sa mga tulak at malalaking drug dealer.

Hindi siya nakatulog sa buong magdamag. Kinabukasan ay maaga siyang nagbangon sa higaan. Nag-text siya sa kanyang Kuya Atong. Sinabi niya sa nakatatandang kapatid na gagamitin niya ang cellphone nito para tawagan ang asawang si Nerissa.”Posibleng naka-bug ang telepono ko kaya cellphone mo muna ang ga-gamitin ko, Kuya…” ang paliwanag niya sa kapatid. Na hindi naman tumanggi nang pasikreto silang magkita sa mismong bahay nito, hindi ka-layuan sa pag-aaring talyer.

Nakausap ni Sgt. Tom si Nerissa sa cellphone. Napaiyak ang asawa niya sa pangu-ngumusta nila sa isa’t isa. Pinigil niya ang emosyon. Sinabihan niya ito na magkita sila sa isang fastfood sa labas ng Maynila. Pero sa gabi lang pala ang oras nito sa pakikipagtagpo sa kanya. “Hindi ako pwede sa araw dahil katu-katulong ako sa karinderya ng pinsan ko…” katuwiran ng misis niya. Kaya “Sige, Mahal… Mga bandang alas-otso ng gabi tayo magkita,” ang mungkahi niya. At binilinan niya si Nerissa na isama ang kanilang anak sa lugar na napagkasunduan nila.

Nakaharap niya ang asawang si Nerissa at ang anak na si Yeye sa isang sikat na fastfood na malapit sa malaking mall ng Imus. Mula nang magtago siya ay noon lamang niya muling nakapiling ang mag-ina. Mahigit dalawang buwan na pala ang nakalilipas. Pero nasentro ang paksa ng pag-uusap nilang mag-asawa sa kani-kanilang kasalukuyang katayuan sa buhay. At, oo, kapwa naghihirap ang kanilang mga damdmin. At naibalita rin nito sa kanya: “Panay ang rekorida ng patrol car ng mga tanod sa tinatauhan kong karinderya. At iniikot-ikutan din ako roon ng mga nakasibilyang pulis.”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …