(Nakatambay sa barko ang Cebuanong nagbebenta ng Pawikan at isang mayabang na Ilonggo)
(Hindi nagtagal may tumalon na Dolphin)
Cebuano: PARE! Dolphin!
Ilonggo: (Nagmamayabang) Anong Dolphin?! Hipon lang sa amin ‘yan.
(Kinagabihan hindi nakatulog ang Cebuano sa sobrang yabang ng Ilonggo… inilabas niya ang Pawikan at inilagay sa ulo ng Ilonggo)
Ilonggo: Putang ina! Anong ginagawa ng Pawikan mo rito?!
Cebuano: Anong Pawikan? Kuto lang ‘yan sa amin! Bwahaha!
***
MaLL of Asia
Boy: Knock knock!
Girl: Who’s there?
Boy: MALL OF ASIA
Girl: MALL OF ASIA who?
Boy: (Kumanta) Hapi hapi hapi birthday. Sa ’yo ang inumin, sa’yo ang pulutan, hapi hapi hapi birthday sanay mabusog mo kami!!
Girl: Huh? Asan ‘yung MALL OF ASIA?
Boy: Ha? ‘E ‘di nandoon sa PASAY!