KUNG nagbabasa ka ng feng shui, tiyak na pamilyar ka sa annual feng shui updates. Sa pagtunton sa galaw ng tinaguriang
good and bad feng shui stars, or energies, ang classical feng shui school na tinaguriang the flying star school ay inirerekomenda sa bawat taon ng specific placement ng feng shui cures sa bahay o opisina upang mapalakas at masalubong ang maswerteng enerhiya.
Ang feng shui stars, or energies, ay may sinusundang certain pattern ng paggalaw na kinakalkula nang advance at ang cures ay inilalagay bago o sa mismong Chinese New Year.
Gayonman, ano ang gagawin sa inyong existing annual feng shui cures, kung panahon na para mag-apply ng new year updates? Ididispatsa mo ba ang iyong feng shui cures at bumili ng bago o muli mo itong gagamitin?
Ang tanong na ito ay hindi masasagot ng simpleng “Oo” o “Hindi”.
Maraming popular feng shui cures, at mahalagang malaman na matukoy ang cures na inilalagay para mapataas at mapatatag ang positive/auspicious energy, at cures na naririyan para protektahan at ma-neutralize ang negative energy.
Sinasabing ang annual feng shui cures na inilagay para sa proteksyon ay mag-iipon ng maraming negative energy, habang ang cures na inilagay para mapalakas at i-anchor ang auspicious energy ay sasagap lamang ng positibong enerhiya.
Kaya ang upang dapat gawin sa annual feng shui cures ay hatiin ang mga ito sa “protectors” at “enhancers”. Maraming feng shui cures ang maaari sa dalawang kategoryang ito, kaya ang iyong desisyon ay maibabase sa kung paano ginamit sa taon na ang specific cures.
ni Lady Choi