NARARAMDAMAN NA NI SGT. TOM ANG EPEKTO NG ILEGAL NA DROGA
Ipinakilala niya ang sarili sa mga tauhan ng kanyang Kuya Atong sa talyer sa pangalang “Ben.” Nagpakita siya ng kabaitan at kasipagan sa bawa’t isa. Pina-ngatawanan niya ang pagiging helper mechanic at bantay-talyer. Kaya nga doon na rin siya natutulog sa gabi.
Isang araw, matapos ang maghapong pagtatrabaho sa talyer ay nayakag si Sgt. Tom sa inuman ng mga kasamahang mekaniko. Doon lang naman ang tagayan sa loob ng talyer kaya pinagbigyan niya ang mga ito. Pero hindi siya nagpahalata na sa-nay siyang uminom ng alak. Pakonti-konti lang ang pag-shot niya. At sa umpukang iyon ay naging matiyaga na lamang siyang tagapakinig ng mga walang kawawaan at walang direksiyon na kwento-kwentohan ng mga lasing.
“Solb na ako,” aniya sa paglalasing-la-singan sa mga katagayan.
“Sige, bata… Konting praktis pa at masasanay ka rin,” tawa ng bossing niya sa pagmemekaniko.
Naghalakhakan ang iba pa niyang kasamahan.
“Mapapasarap ang tulog mo n’yan, pare koy…” tapik sa kanya ng isa pang mekaniko.
Pumasok agad si Sgt. Tom sa tulugan ng mga mekaniko na nasa compound ng tal-yer. Nahiga siya sa pinakasulok ng tulugan. Pero nakainom man at pagod ang katawan ay ayaw siyang antukin. Buhay na buhay sa diwa niya ang kanyang asawa at anak.
Alam niyang hinahanap-hanap din siya nila. Nag-aala siya sa kalagayan ng kanyang mag-ina na nakikipanuluyan lamang sa ibang bahay. Mistulang inulila niya ang mga mahal sa buhay sa kanyang pagtatago. At dagdag na pabigat iyon sa kanya na isang wanted.
Bukod sa gayong sitwasyon, pakiwari niya ay nanlalamig siya kahit maalinsa-ngan at tumatagaktag ang pawis sa kanyang noo, leeg at dibdib. Parang may kung ano kulang ang hinahanap ng kanyang katawan. Para siyang ginigayang. Nararanasan iyon ng isang drug addict. Maaaring hindi nya alam o aminin na biktima na rin siya ng masamang epekto ng droga.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia