Friday , November 15 2024

Alam na alam ni BS Aquino

USAPING BAYAN LogoMALINAW na malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na alam ni Pangulong BS Aquino bago at matapos ang mga pangyayari sa Mamasapano, Ma-guindanao kung saan inubos ng Moro Islamic Liberation Front ang 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force matapos nilang likidahin ang isang notoryus na banyagang terorista. Napatunayan ng bayan nitong huling hearing ng senado na alam ni BS Aquino ang lahat, lalo na ang plano ng PNP-SAF sa likod ng operasyon. Nakita rin ng lahat na si Director Getulio Napenas ay “fall guy” lamang para sa isang kapangyarihan na nagpipilit magkubli sa anino ng dating pinuno ng PNP-SAF. Lumabas sa matalas na pagtatanong ni Senadora Miriam Defensor Santiago na tatlong tao lamang mula sa ating pamahalaan ang talagang nasa likod o nakaaalam ng mga sensitibong detalye kaugnay ng madugong operasyon – sila ay sina BS Aquino, Police Director General Alan Purisima at Napenas.

* * *

Tama ang desisyon ng dumaraming mambabatas na huwag suportahan ang pagpasa sa kongreso ng Bangsamoro Basic Law. Talagang kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri sa nasabing panukalang batas lalo na ngayon na lumalabas na maraming probisyon dito ang labag sa ating Konstitusyon. Kailangan rin na palawakin ang base ng mga kukunsultahin kaugnay ng batas na ito at hindi lamang yung mga moro na naka-pailalim sa MILF. Dapat isangkot dito ang lahat ng mga naninirahan sa Mindanao – ang mga Kristyano, mga muslim na walang kaugnayan sa kahit na ano mang marahas na grupo, mga lumad, ang iba’t ibang tribo na naninirahan sa lupang pangako. May palagay ako na good governance ang mas kailangan ng mga taga-Mindanao at hindi lamang basta awtonomiya na paghaharian lamang ng MILF.

* * *

Sa kabila ng mga kakulangan ni BS Aquino simula pa nuong Luneta hostage taking incident ay hindi po tayo sang-ayon na magkaroon ng coup d’ etat para ibagsak ang kanyang rehimen. Sa kabila ng kanyang mga kahinaan ay halal siya ng bayan at dapat nating respetuhin iyon. May palagay ako na hindi pa nararating ang “red line” na magbibigay katarungan sa isang coup d’ etat. Tutal isang taong mahigit na lamang siya sa poder…tiyagain na lamang natin. Tama ang sabi ng isang pahayagan na baka lumulundag lamang tayo mula sa pritohan patungo sa kalan kung patatalsikin natin si BS Aquino sa poder.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189 

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *