Friday , November 15 2024

Hostage taker napasuko ni Mayor Fresnedi

CRIME BUSTER LOGOMAGALING din palang hostage negotiator ang ama ng Muntinlupa City na si Mayor Jaime “JRF” Fresnedi.

Sa edad na more than 60, ay nagawa pa rin ni Fresnedi na mapasuko sa kamay ng mga awtoridad ang hostage taker na si Rodrigo Tacderan, na nasa edad na 30 years old.

Ang the best na nagawa ng alkalde ay nang mailigtas niya sa kapahamakan ang hostage victim na 39 years old na si Preshell Pasadas.

Nalaman natin kay Tess Valencia-Navarro, public information officer (PIO chief) sa city hall ng Muntinlupa, na naganap ang ilang oras na hostage drama sa bahay ni Pasadas sa Southville 3, sa Barangay Poblacion noong Huwebes ng umaga.

Nalaman pa natin na pinasok ni Tacderan ang bahay ni Pasadas sa hindi pa malamang dahilan at ginawang hostage ang biktima.

Nakagamit umano ng ipinagbabawal na droga ang suspect nang isagawa nito ang krimen na dala-dala ang isang kitchen knife na may habang 10 inches.

Dahil naalarma ang mga kapitbahay ni Pasadas sa Barangay Poblacion, ang insidente ay inireport nila sa headquarters ng Tactical Operations Center (TOC) ng Muntinlupa City police station. Mabilis na nagtungo sa pinangyarihan ng insidente sina police Chief Inspector Johnny Gaspar, Senior Inspector Dick Mangabat at Inspector Omer Maborang. Nagsagawa sila ng hostage negotiation.

Sa hostage negotiation, nabigo ang mga awtoridad na mapasuko sa kanilang kamay ang star man na si Tacderan. Sa dakong huli, nakiusap at nag-request si Tacderan sa mga pulis na nais umano niyang makita at makausap ang alkalde ng Muntinlupa na si Mayor Fresnedi. Kay Mayor Fresnedi rin umano niya nais sumuko. Ang request ni Tacderan ay tinanggap ng mga pulis.

Mula sa kanyang tahanan, kahit pupungas-pungas at hindi pa humihigop ng mainit na kape, minabuti ni Mayor Fresnedi na sumama sa mga sugo ng hostage negotiators at nagtungo siya sa scene of the hostage drama.

Nang malaman ng hostage taker na ang alkalde ng Muntinlupa ay nasa vicinity na ng Barangay Poblacion, hindi na nag-atubili si Tacderan na lumabas ng tahanan ni Pasadas at kusa na siyang sumuko sa local chief executive. Napaiyak pa raw si Tacderan nang personal na makita ang idol niyang mayor na si Fresnedi.

Anyway, bukod kay JRF, sa mga kagawad ng pulisya ng Muntinlupa, malaki rin ang naging bahagi ni Ginoong Allen Ampaya, ang chairman sa barangay Poblacion upang mapayapang mapasuko ang hostage taker na si Rodrigo Tacderan.

Dahil may nilabag na batas ang suspect, mahaharap siya sa kasong Serious Illegal Detention, Grave Threat, Alarm and Scandal at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 (Illegal Possession of Bladed Weapon) sa tanggapan ng Muntinlupa City Prosecutors. Kalaboso ang inabot n’ya.

Magaling talaga si JRF. May convincing power pa!

Sana katulad ni Atty. Fresnedi ang lahat ng mayor sa Metro Manila.

Nakalimutan na si Macky Pansit?

ALMOST three months na ngayon ang nakakalipas nang paslangin ng mga di-nakikilalang killer-gunman ang anti-drug cop na si SPO3 Delfin “Macky-Pansit” Macario sa F.B. Harrison Street sa Pasay City noong gabi ng Nobyembre 28, 2014.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin linaw o kung ano ang tunay na motibo upang i-assassinate ang Pasay cop na si SPO3 Macario.

Na-relieved na sa puwesto sina Sr/Supt. Melchor Reyes at Supt. Joey Goforth ay wala pa rin liwanag kung sino ang nasa likod ng kamatayan ng kanilang kabaro. Naiwanan na naman sa official blotter ng Pasay City-PNP ang katagang “for follow up and for further investigation,” na ang kasunod ay: “unsolved!!!”

Pahaging lang!!! VK sa Coloocan, kontrolado nina Mendoza, Adona

WALA raw puwedeng umawat sa magkasabwat na sina Mendoza at Adona, ang binansagang terror ng mga video karera machines sa teritoryo ni Mayor Oca Malapitan sa Caloocan City.

Bukod sa weekly grease money na nakukulimbat daw nila sa mga operators ng VK at FG, may particular pa rin daw na kinikita ang dalawang mama sa kanilang racket de salot na makina.

Ang operators ng VK na nais kumabit o sumama sa kanilang “kabit systems” o “umbrella systems” ay sinisingil nila ng 2-K sa isang unit ng makina, kapalit ang code or trademarks na VK stickers. Iyan ay para wala raw huli o nakawan ng makina.

Sa proper daw ng Caloocan City, itinatambak, ipinalalatag nina Mendoza at Adona ang mga VK machines na ang binubulag nila ay walang iba kundi ang alkalde at ang chief of police sa Caloocan. For your eyes only Mayor Malapitan. Pakitanong na lang po sa grupo ni Sacho.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *