Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi nga kayo terorista,  mga tirador lang

INFO EKSAKTO LOGOIkinakahiya kayo nga inyong mga kapwa Muslim, sa mga mall kapag pumasok ang mga naka suot Muslim na kaibigan natin halos masunog ang buo nilang klatawan sa matalim na tingin sa kanila ng mga taong nagmamahal sa kapayapaan.
Bwisit na bwisit ako doon sa isang resource person nag salita na hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil nga bwisit na bwisit nga ako sa kanya sa ganitong tinuran nya, “we are not terrorist in fact we are closely coordinating with military and police forces in every operation that they conducted.”

Ikwento mo ya sa lelong mo, kung sinsero kayo at gusto ninyong mapabilang sa tahimik na lipunan, igalang ninyo ang mga naka uniporme hindi yung uniporme ninyo, dahil iisa lang ang may karapatan na mag suot ng police at milirtary uniform kundi AFP at PNP lang kuha mo?

COORDINATION

Sino ba kayo para makipag coordinate ang mga law enforcer? Hindi ninyo teritoryo yang sinasabi ninyong lugar dahil iyan ay pag aari ng gobyerno kaya kung darating na mga sundalo tumabi kayo at hindi kayo ang pakay nila.

Iyang inaangkin ninyong teritoryo ay hindi naka pangalan sa inyo kung may titulo man yan, kaya tuloy napapailing sa inyo ang inyong kapwa Muslim na may alam sa mga legal na anumang bagay o usapin.

KA HANGA HANGANG MGA SENADORA BUKOD KAY SENADOR MIRIAM AT LOREN

Ngayon ko lang nasaksihan kung gaano ka ayos at kagilas mag deliver bilang Senadora si Pia Cayetano at Grace Poe, malumanay, maliwanag at marami tayong matututunan lalo na ang mga naka saksi sa mga nangyari sa Mataas na kapulungan.

Si Cayetano ay hindi assuming bagamat abogada, ang mga hindi nya maintindihan na mga terminology na ginagamit sa isang isang military at police operation kung kaya isinasanguni niya lahat ng kanyang narinig sa kanyang katabi na si Senator Gringgo Honasan.

Nagtataka sya kung ano raw ang TIME and TARGET, MECHANIZED BRIGADE, POCKET INTELLIGENCE, CEASEFIRE MECHANISM at HIGH VALUED TARGET o HIGH PRIORITY.

“15 days na ang nakaraan hinihiling ng gobyerno na isuli ang kanilang mga gamit hanggang cellphone wala paring nagyayari?” kung kaya sa paningin ni Senator Cayetano hindi sinsero ang MILF at BIFF sa usaping pangkapayapaan.

Ang mabigat, na tanong ay galing kay Senadora Inday Miriam kay resigned PNP Chief Allan LM Purisima ng ganitong tanong na hindi nasagot ng huli. “who are the people pulling the string behind you”?

Ang paksang tinatalakay ng Info Eksakto ay hindi pag batikos sa mga kapatid nating Muslim ito ay naisangguni ko sa isang kaibigan ko na isa ring Muslim. Kung nais ninyo ibigay ang inyong puna at mungkahi sa ating isyu mangyari lamang na mag text sa CP Nos. 09293105073 at 09179293186

ni Marde Infante

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …